'My Guardian Alien' cast reveal what they'll miss on set
Labis ang saya ng cast ng GMA Prime series na My Guardian Alien sa nabuo nilang pamilya sa set ng serye.
Sa recent episode ng Unang Hirit, nagbigay ng tour sina Marian Rivera at Gabby Concepcion, na bumibida bilang sina Grace at Carlos, sa set ng kanilang pinagbibidahang serye.
Bukod dito, ibinahagi rin ng ibang cast kung ano ang kanilang mami-miss sa My Guardian Alien.
“Mami-miss ko lahat. Siyempre family na tayo rito e. Iba talaga 'yung nakakagawa ka ng isang proyekto na kahit tapos na 'yung show, magiging magkaibigan pa rin,” ani Gabby Eigenmann, na gumaganap bilang si Ceph.
Mami-miss naman ni Raphael Landicho, na binibigyang-buhay ang karakter bilang Doy, ang friendship at bond kasama ang kanyang co-stars.
Samantala, para naman kina Josh Ford at Caitlyn Stave, na bumibida bilang sina Aries at Halley, mami-miss nila ang lahat ng bumubuo sa My Guardian Alien.
“Mami-miss ko lahat ng mga kwentuhan, mga kulitan. I'll miss everyone,” ani Josh.
Dagdag ni Caitlyn, “We've really grown very close, parang family na talaga kami rito sa set. Hopefully, we all get to work with each other again in the future.”
Subaybayan ang finale week ng My Guardian Alien, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.
Maaari ring mapanood ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.
KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO: