What's on TV

Alden Richards at Louise delos Reyes, kampante sa isa't- isa

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 10:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man attending fiesta in MisOr stabbed dead
NCAA: Arellano, Letran reignite rivalry in Group B as Season 101 men’s volleyball kicks off
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Alden Richards at Louise delos Reyes, kampante sa isa’t isa Nakachikahan nina Ricky Lo at Butch Francisco ng Startalk TX sina Alden Richards at Louise delos Reyes, ang lead stars ng GMA Telebabad series na Mundo Mo’y Akin. Alamin kung anu-ano ang kanilang mga napag-usapan.

Alden Richards at Louise delos Reyes, kampante sa isa’t isa Nakachikahan nina Ricky Lo at Butch Francisco ng Startalk TX sina Alden Richards at Louise delos Reyes, ang lead stars ng GMA Telebabad series na Mundo Mo’y Akin. Alamin kung anu-ano ang kanilang mga napag-usapan.

Kinumusta ng hosts ng progama si Alden, na napabalitang naapektuhan noong nakaraang bagyong “Maring”. Binaha ang bahay ng Kapuso actor sa Laguna.

Kuwento niya, “Sa sala po namin, umabot hanggang tuhod and then ‘yung cars ko po inabot parehas, so technically, nanghihiram po ako ng sasakyan sa friend. Then nasa casa po ‘yung sasakyan namin. That’s when we decided that we have to leave.”

Nakalipat na sa ibang bahay ngayon si Alden. Ayon kay Louise, “’Nung araw po na binaha sila, may taping po kami nun. Muntik pa nga hindi matuloy.”

Hindi raw passable sa mga kotse ang SLEX pero nakapagtaping pa rin ang hard-working na aktor. Sumabay na lamang siya sa GMA service para makumpleto ang mga eksena nila sa araw na iyon.

Naitanong din sa Kapuso loveteam kung papayag silang i-partner sa iba.

Para kay Alden, “We’re open po to options pero as much as possible, mas okay po na kami pa rin kasi there’s no more adjustments at sanay na [kami] sa isa’t isa. For the longest time po since I started, si Louise na po ang kasama ko. Yihee!”

Kampante na sa isa’t isa ang DenLou loveteam kaya masaya sila kapag sila ang magkatrabaho.

Ani Louise, “Ako naman po, ganun din. As of now, I can’t imagine na mape-pair ako sa iba. Ngayon kasi, sanay na sanay na kami. Everyday mukha mo ‘yung nakikita ko.”

Nagpasalamat din si Louise sa lahat ng mga manonood ng Mundo Mo’y Akin.

Ito ang kanyang mensahe: “Unang una po, gusto po naming magpasalamat talaga sa inyo, sa lahat po ng sumusuporta sa Mundo Mo’y Akin dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi kami tatagal ng ganito katagal so maraming maraming salamat po and I’m sure mami-miss niyo talaga si Charito and marami pang mga hirit niya. Siyempre, kami rin. Abangan niyo po kung ano pa ang mangyayari sa Mundo Mo’y Akin: The Beautiful Ending.”

Dagdag ni Alden, “Of course, gabi-gabi po ‘yan sa GMA Telebabad. Last week na po namin, so huwag na kayong bibitaw and lagi naming iniiwan sa inyo ‘yung katagang wala sa ganda ng mukha ang pagganda ng bukas. Salamat po.”

Para makatanggap ng updates tungkol sa inyong paboritong Kapuso shows at stars, mag log-on lamang sa www.gmanetwork.com. -Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com