WATCH: 'Mulawin VS Ravena' stars, umaasang susuportahan ng fans ang sequel
Paparating na at lilipad na sa ere ng GMA Telebabad ngayong May 22 (Lunes) ang bagong Primetime offering ng Kapuso network, ang Mulawin VS Ravena. Ito ay ang sequel ng 2004 high-rating fantasy series na Mulawin.
Bibida ang Kapuso love team ng BiGuel bilang sina Pagaspas at Lawiswis. Ang Kapuso hunks na sina Derrick Monasterio at Kiko Estrada naman ay gaganap bilang si Almiro at Rafael.
Mga Mulawin ang gagampanang papel ng Kapuso teen stars kaya puspusan na ang kanilang pageensayo para sa kanilang roles. Ani ng young actor na si Miguel Tanfelix, “[Nag-ma-]martial arts kasi kailangan namin ‘yun for our fight scenes like knife fighting [at] kailangan [din] namin ng kickboxing.”
Tiyak na magugustuhan raw ng mga manunuod ang sequel, ayon sa young actress na si Bianca Umali, “This time, after nilang mapanood ‘yung Mulawin VS??????? Ravena, tatak sa kanila ‘yung bawat karakter. Tatak sa kanila si Pagaspas at si Lawiswis.”
Umaasa naman si Derrick sa suporta ng mga fans, “Maganda ‘yung tinakbo ng Mulawin dati [so] sana kagatin pa rin siya ng mga tao ngayon.”
Malaki ang napatunayan ng dating telefantasya kaya pressured si Kiko, “Siyempre, gusto nila revolutionaries so [kinakabahan ako].”
Star-studded ang cast ng upcoming fantasy series kaya huwag na huwag palampasin ang pilot episode nito.
MORE ON 'MULAWIN VS RAVENA':
IN PHOTOS: Meet the official cast of ‘Mulawin VS Ravena’
MUST-READ: Bakit kinuha si Ms. Regine Velasquez-Alcasid sa ‘Mulawin vs. Ravena?’