Katrina Halili, Shayne Sava, Dion Ignacio, Direk Ralfh Malabunga
TV

Katrina Halili, Shayne Sava, Dion Ignacio, Ralfh Manuel Malabunga, excited nang maipalabas ang 'Mommy Dearest'

By Kristian Eric Javier
Updated On: February 21, 2025, 08:15 PM
Hindi na makapaghintay sina Katrina Halili, Shayne Sava, Dion Ignacio, at Ralfh Manuel Malabunga na mapanood ng lahat ang 'Mommy Dearest'

Masaya at excited ang cast ng upcoming Afternoon Prime drama series na Mommy Dearest na sina Katrina Halili, Shayne Sava, at Dion Ignacio, at maging ang kanilang direktor na si Ralfh Manuel Malabunga sa nalalapit na premiere ng kanilang serye.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa naganap na media junket nitong Martes, February 18, ibinahagi nina Katrina, Shayne, Dion, at Ralfh kung gaano sila ka-excited na mapanood na ng mga Kapuso ang kanilang drama series.

Ani Katrina Halili, “Excited kami na ma-share na ang kwento ng Mommy Dearest kasi maraming matututunan 'yung mga viewers. Like kami din, marami kaming natutunan so sana may matutunan din sila.”

Binanggit din ni Shayne kung gaano katagal nilang pinaghirapan ang serye kaya naman masaya rin siyang makita na ng mga manonood ang fruits of their labor.

Sabi ni Dion, “'Yun, ganu'n din, finally lahat po ng pinaghirapan namin e mapapanood na namin t mapapanood na rin ng mga Kapuso.”

Ayon naman kay Direk Ralfh, mataas ang excitement ng buong cast na bumubuo sa serye dahil matagal nila itong pinaghirapan.

“Pinaghirapan ng bawat isa 'yung bawat role nila, bawat tao na bumubuo ng Mommy Dearest, nilagay nila 'yung puso nila du'n sa show. So excited kami na makita nila 'yung pinaghirapan namin,” aniya.

KILALANIN ANG MGA BIDA NG UPCOMING DRAMA SERIES NA 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO:

Kamakailan lang ay nakatanggap ng papuri at magagandang reaksyon ang trailer ng Mommy Dearest at ayon kay Direk Ralfh, “Umpisa pa lang ito.”

Dagdag naman ni Shayne Sava, “Madami pang mangyayari.”

Sa media junket ay napanood na rin nila sa unang pagkakataon ang full trailer ng Mommy Dearest at ang initial reaction ng cast members, maganda ang kanilang serye.

Kuwento ni Katrina, “Sabi ko nga kanina nu'ng pinanood namin dahil first time lang namin napanood, sabi ko kay Camille, "Maganda, ha?'... So parang may kurot talaga e, malalim 'yung story, tapos alam mong parang kukurutin talaga ang puso mo, alam mong paiiyakin ka talaga.”

Paglilinaw ng aktres ay hindi sila bias sa kanilang serye ngunit wika niya ay maganda ang istorya at story telling ng kanilang serye.

Ayon pa kay Dion, “Si Shayne nakita ko parang naiiyak siya e.”

Pag-amin naman ni Direk Ralfh ay talagang maiiyak ang kahit sinong manonood kung titingnan ito mula sa emotional standpoint.

“Iba kasi 'yung istorya niya dahil nanay siya, iba't ibang uri ng pagmamahal ng nanay, whether tama or mali, pagmamahal pa rin siya ng isang ina. So 'yun 'yung tutumbok sa mga nanay sa hapon,” sabi ni Direk Ralfh.

Mapapanood na ang Mommy Dearest sa Lunes, February 24, 3:20 P.M. sa GMA Afternoon Prime.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.