GMA Logo Katrina Halili, Camille Prats
Source: camilleprats/IG, katrina_halili/IG
What's on TV

Katrina Halili, Camille Prats, nagkabaliktad sa kanilang roles sa 'Mommy Dearest'

By Kristian Eric Javier
Published February 13, 2025 5:15 PM PHT
Updated February 13, 2025 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili, Camille Prats


Naninibago man, masaya naman daw sina Camille Prats at Katrina Halili sa kanilang kakaibang roles sa 'Mommy Dearest'.

Challenging pero excited sina Kapuso stars Camille Prats at Katrina Halili sa upcoming drama series nila na Mommy Dearest. Kung nakilala kasi si Camille sa pagganap sa mababait na karakter, habang si Katrina sa mga kontrabida roles, dito ay magkakabaliktad ang mga gagampanan nila.

Sa panayam nila kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong February 12, inamin ni Camille kung gaano siya kasaya na nakalabas siya sa kaniyang comfort zone, at mag-experiment sa kaniyang karakter.

“Ito siguro, I would say, 'yung pinakamalalang kontrabida that I have ever done in the 32 years of my career in this industry. I found it very challenging and for the first time, I wanted to do something different,” sabi ni Camille.

Pag-amin naman ni Katrina, tuwing nagkakaeksena sila ni Camille ay hindi nila napipigilang matawa dahil sa pagkakapalit ng nakasanayan nilang roles.

“Kasi parang 'Ako dapat 'yun e, tapos parang ikaw dapat ' to e.' Parang' yung naiisip ko kasi sa role ko, parang mas bagay siya kasi sobrang kawawa, sobrang mabait,” sabi ni Katrina.


KILALANIN ANG IBA PANG MAKAKASAMA NINA CAMILLE AT KATRINA SA 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO:

Ito ang ikalawang kontrabida role ni Camille nungit pag-amin ng aktres, hindi ito ang kontrabidang madalas na nakikita ng mga manonood.

“Hindi lang siya scheming and maldita-maldita, hindi. It's different, a deeper level of that, someone who actually inflicts pain on somebody else,” sabi ni Camille sa panayam sa kaniya ng GMANetwork.com.

Saad pa ng aktres ay ito ang unang pagkakataon na gagawin niya ang ganitong klaseng role.

Sa parehong panayam ay sinabi ni Katrina na masaya siyang muling gumawa ng drama matapos ang action series niya na Black Rider. Kuwento pa ng aktres ay natutuwa siyang mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng iba't ibang roles at hindi makulong lang sa isang uri ng karakter.

“Medyo nasanay na kasi ako sa action role na konti lang 'yung lines, more action-action lang, then ito, ito na naman, ang haba ng mga linya, tapos ang daming iyakan. Medyo nanibago na naman,” sabi ng aktres.

Panoorin ang buong panayam nila rito: