GMA Logo Sanya Lopez, Rochelle Pangilinan in Mga Lihim ni Urduja
What's on TV

Sanya Lopez at Rochelle Pangilinan, hinangaan sa kanilang fight scene sa pilot episode ng 'Mga Lihim ni Urduja'

By Abbygael Hilario
Published February 28, 2023 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez, Rochelle Pangilinan in Mga Lihim ni Urduja


Umpisa pa lang ay talagang ipinamalas na ng Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Rochelle Pangilinan ang kanilang husay pagdating sa fight scenes!

Kitang-kita sa pilot episode ng Mga Lihim ni Urduja kung paano pinaghandaan ng Kapuso actresses na sina Sanya Lopez at Rochelle Pangilinan ang kanilang mga karakter sa mega serye.

Sa unang episode ng naturang action-adventure series ay napanood ang kanilang intense fight scene bilang si Hara Urduja (Sanya Lopez) at Dayang Salaknib (Rochelle Pangilinan).

Maraming manonood ang humanga sa dalawa dahil sa kanilang mga nakagugulat nakamamanghang stunts.

Pinaulanan din ng papuri ng netizens ang tao sa likod ng napakagandang OBB ng mega serye, ang direktor nito na si Jorron Lee Monroy.

Samantala, mamayang gabi, simula na ng initan sa pagitan ng Team Urduja at Bounty Hunters!

Abangan ang kanilang mga intense na eksena sa mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: