GMA Logo Zoren Legaspi
What's on TV

Mabubunyag na ang tunay na pagkatao ni Chairman!

By Abbygael Hilario
Published May 4, 2023 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi


Ano kaya ang pinakatatagong lihim ni Chairman?

Sa huling dalawang gabi ng mythical primetime mega serye na Mga Lihim ni Urduja, mapapanood ang mas maaksyong labanan sa pagitan ni Chairman at ng mga itinakda!

Malalaman na nina Gemma (Kylie Padilla), Crystal (Gabbi Garcia), at Onyx (Vin Abrenica) ang tunay na pagkatao ni Chairman Marcel (Zoren Legaspi).

Hindi nila hahayaan na makuha ni Chairman ang mga hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez) kaya gagawin nila ang lahat para pigilan ito sa kaniyang plano na maging pinakamakapangyarihan sa buong mundo.

Hihingi naman ang mga itinakda ng tulong kay Madam Astra (Janice Hung) para malabanan si Chairman.

Naniniwala si Madam Astra na kayang-kaya nina Gem, Crystal, at Onyx na talunin ang kanilang kalaban kahit wala ang mga hiyas gaya na lamang ng ginawa noon ni Hara Urduja kay Khatun Khublun (Faith Da Silva).

Mapagtagumpayan kaya nila ang kanilang huling laban? Mapasakamay kaya nila ang mga hiyas ni Hara Urduja o tuluyan na itong makukuha ni Chairman?

Abangan sa huling dalawang gabi ng Mga Lihim ni Urduja, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, TIGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: