Mga Lihim Ni Urduja art card
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
TV

'Mga Lihim Ni Urduja,' may mahigit 100M views na sa TikTok!

By Dianne Mariano
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta sa mythical primetime mega serye na 'Mga Lihim Ni Urduja.'

Hindi lamang sa telebisyon tinututukan ng mga manonood ang mga matitinding tagpo ng mythical primetime mega serye na Mga Lihim Ni Urduja kung hindi pati sa social media.

Sa katunayan, umabot na sa mahigit 100 million views ang #MgaLihimNiUrduja sa short-video streaming app na TikTok matapos lamang ang isang buwan. Tampok dito ang episodes ng serye, matitinding scenes, pati na rin ang mga fan-made videos at reviews mula sa mga manonood.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong linggo, matatandaan na nalagay sa panganib ang buhay ni Crystal (Gabbi Garcia) matapos matamaan ng ligaw na bala dahil sa kaniyang kapatid na si Onyx (Vin Abrenica).

Nang dahil sa kanilang paglabag sa utos, hindi naiwasan nina Astrid at Maestro Marius na sisihin si Gemma (Kylie Padilla) kung bakit naging kritikal ang kondisyon ni Crystal. Nagtungo naman si Onyx sa ospital para maging blood donor ng kaniyang kapatid.

Sa kasamaang palad, tuluyang binawian ng buhay si Crystal.

Ano kaya ang mangyayari sa misyon ng mga itinakda ngayong patay na si Crystal?

Abangan ang mga tumitinding tagpo sa Mga Lihim Ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES SA SET NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.