Kilalanin ang Asero Boys, ang mga makakatapat ng Mga Batang Riles
Matapos ang tatlong taon sa loob ng Boys Town, nakauwi na ang Mga Batang Riles na sina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) sa Sitio Liwanag.
Sa pagbabalik nila sa kanilang tahanan, nagulat sila na mayroon nang bagong grupong naghahari-harian sa riles -- ang Asero Boys.
Ang lider ng Asero Boys ay ang kapatid ni Dags na si Junjun, ngunit hindi siya nito kinikilala bilang kapatid. Samantala, kung ang Mga Batang Riles ay may joker sa katauhan ni Dags, mayroon din ang Asero Boys at ito ay si Riot.
Mas kilalanin pa ang mga miyembro ng Asero Boys sa mga larawan ito.
Junjun
Gagampanan ni Abed Green si Junjun, ang lider ng Asero Boys at bagong boyfriend ni Missy (Krissha Viaje).
Dolor
Anak ni Dolor (Ynez Veneracion) ni Junjun pero hindi niya kinikilalang kapatid si Dags (Anton Vinzon).
Toteng
Si Toteng (Kim de Leon) ang feeling pogi at crush ng bayan na ginagamit ang itsura sa mga babae.