TV

Anton Vinzon, tameme sa panunukso tungkol sa love team

By Marah Ruiz
Updated On: March 29, 2025, 07:04 PM
Tameme si Anton Vinzon sa panunukso ni Kokoy de Santos tungkol sa kapares niya.

Mas tumitindi ang kuwento ng hit action-drama series na Mga Batang Riles.

Matapos kasi ang kidnapping cases, ilegal na droga naman ang kinakaharap ngayon ng mga bida.

"Ngayon mayroon nang Jackson, si Paolo Contis, so ang dami nang characters na pumasok. Ang ibig sabihin lang noon, mas tumitindi 'yung istorya namin, mas nagiging intense," pahayag ni Miguel Tanfelix.

Sang-ayon naman dito ang kanyang co-star na si Kokoy de Santos.

"May progress kasi so talagang sumasabay 'yung nanonood sa progress ng mga batang riles," lahad niya.

Gayunpaman, mayroon pa ring light moments sa serye lalo na at may mga leading ladies nang ipinapares sa kanila.

Para sa karakter ni Kokoy na si Kulot, nariyan si Honey na karakter ng sexy actress na si Robb Guinto.

"Nagulat ako, kasi sa role ko na si Kulot parang hindi mo i-expect 'di ba? To be honest, ang sarap ka-eksena ni Miss Robb kasi wala siyang kiyeme," papuri niya sa aktres.

Hindi naman napigilan ni Kokoy na tuksuhin ang co-star na si Anton Vinzon na gumaganap bilang Dagul.

Ipinapares sa karakter nito ang boyish at street-smart na si Barbie, played by Aya Domingo.

"Iba 'yung chemistry nila, kahit off cam. Kinikilig ako," panimula ni Kokoy.

"Kasi po nakapag-workshop na rin po kami," paliwanag ni Anton.

Ayaw ni Kokoy na palusutin si Anton kaya ipinagpatuloy lang niya ang panunukso dito.

"Hindi, hindi dahil sa workshop 'yun. Talagang iba 'yung koneksyon niyo eh. Crush mo ba?" aniya.

Natawa na lang si Anton at napasagot ng "Ha?"

"Crush mo ba?" pag-ulit na diin ni Kokoy.

Pumalatak na lang si Anton at tila nagmakaawa kay Kokoy na tigilan na siya. "Par," aniya.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI ANTON VINZON SA GALLERY NA ITO:

Panoorin si Anton Vinzon sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:45 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 10:30 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.