Paolo Contis and Bruce Roeland in Mga Batang Riles
Source: paolo_contis (IG)
TV

Bruce Roeland, may patikim sa maaksyong ganap sa 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Talagang kaabang-abang kung ano ang gagawin nina Matos at Jackson sa 'Mga Batang Riles.'

Nagbigay ng patikim ang aktor na si Bruce Roeland kung ano ang dapat abangan sa lalong tumitinding eksena sa GMA Prime series na Mga Batang Riles.

Nagkampihan na kasi ang karakter ni Bruce na si Matos at ang karakter ni Paolo Contis na si Jackson. Matagumpay na napatay nina Matos at Jackson si Mr. Fang, kaya sila na ang naging lider ng sindikadong nagpupuslit ng droga sa Pilipinas.

"Abangan niyo kung ano 'yung magiging partnership namin ni Mr. Paolo Contis bilang si Jackson," patikim ni Bruce.

"Napakaangas niya, napakaangas ng role niya, click 'yung role naming dalawa kasi partners-in-crime kami dito. Abangan niyo kung ano kung ano 'yung magiging plano namin kasi kami na ang lider ng organization dahil wala na si Mr. Fang.

"Abangan niyo kung ano ang gagawin namin sa Mga Batang Riles."

Ngayong napagbintangang gumagamit ng droga sina Mutya (Zephanie), Lala (Jomar Yee), at Lulu (Spencer Serafica), paano kaya mapapatunayan ng Mga Batang Riles na malinis sila?

Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.