TV

'Meant To Be' boys mala-'StarStruck' daw ang nararamdaman sa pagpili ni Billie ng ka-'Meant To Be' niya

By Gia Allana Soriano

Para raw nasa StarStruck sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Jak Roberto at Addy Raj dahil para bang dumadaan sila sa elimination round para malaman kung sino ang "last man standing" para sa puso ni Billie (Barbie Forteza).


Ani Ken, "['Yung pasabog sa finale], first time raw na gagawin ito sa GMA-7, kahit kami wala kaming idea sa finale, kahit kami kinakabahan. Feeling namin para kaming nasa finale ng StarStruck. 'Yung feeling namin na parang 'yung kapit-kapit kami ng kamay tapos kung sino 'yung matatanggal, sino matitira [malalaman lang namin sa huli]. Tawanan lang kaming apat kasi kinakabahan kami dahil wala kaming idea at all, at hindi namin alam kung ano'ng mangyayari."

Sa ngayon ay dalawa na lang ang pinagpipilian ni Billie pagkatapos niyang i-reject si Jai (Addy Raj) at Andoy (Jak Roberto). Sino kaya sa final two na sina Yuan (Ken Chan) at Ethan (Ivan Dorschner) ang magiging ka-Meant To Be ni Billie?

Abangan sa kilig finale ng Meant To Be tonight, pagkatapos ng My Love From The Star.