
Ibang ibang Andoy na ang napapanood ng mga Meant To Be. Sa isang exclusive interview WITH GMANetwork.com with Jak Roberto, naikuwento ni Jak kung ano ang masasabi niya sa upgraded character niya ngayon.
Aniya, “Kasi ‘yung last week na inere nila, sabi nila ‘Andoy 2.0,’ na hindi na naka-ripped jeans, pormang porma na.”
Ika pa niya, naka-helmet talaga siya para sekreto muna ang bagong porma niya bilang Andoy 2.0. Paliwanag niya, “Ginawa lang nila ‘yun para, kasi sa umpisa dapat itatago identity ko na naka-helmet ako, hindi muna mahuhulaan kung sino'ng dumating. Kaya naka-pants ako nun, naka-jacket, para pag taas [ng helmet ko:] ‘Ay! Si Andoy ‘yung dumating.’ Pogi points ‘yun.”
May magbabago ba sa character niya?
Sagot niya, “The same pa rin naman, ‘yung character ko pa rin mas tamed sa aming apat. Kalmado, pero mas nadagdagan ‘yung lakas ng loob kasi nagko-compete na kami sa isa’t isa, eh. Meron nang rivalry.”
MORE ON 'MEANT TO BE':
Jak Roberto, "knight in shining armor" ni Barbie Forteza?
Jak Roberto, may aaminin bilang si Andoy Dela Cruz sa 'Meant To Be'
Ano ang advice ni Jak Roberto sa torpeng character niya na si Andoy sa 'Meant To Be'?