Rafael Rosell recalls funny memory with comedian John 'Sweet' Lapus
Isang nakatutuwang kuwento ang ibinahagi ng versatile drama actor na si Rafael Rosell tungkol sa actor-comedian na si John “Sweet” Lapus sa Mars Pa More kamakailan.
Sa “Nakakalokang Celebrity Encounter” segment ng naturang show, napili ng randomizer ang larawan ni Sweet para sa aktor at kailangan niya ikuwento ang naging karanasan nito kasama ang kilalang komedyante.
Photo courtesy: GMANetwork (YouTube)
Kuwento ni Rafael, “Si Sweet, he's one of my favorite comedians kasi na para sa akin... 'di ba may mga tao na kahit anong gawin nila nakakatawa? Tapos nagre-rehearse kami, may parang bilog na bakal kung saan siya magha-hang tapos iikot siya ng gano'n.”
“E, hindi nakakabit ng maayos 'yung hawakan niya. So, noong umikot siyang gano'n, naputol tapos tumalbog 'yung mukha niya sa floor. So, habang lahat parang, 'Sweet, okay ka lang?' Since Sweet is my favorite comedian, I found it really funny na slapstick,” dagdag pa niya.
"So habang lahat nag-aalala, ako lang 'yung tumawa ng sobra, as in, halos rumurolyo na ako sa sahig sa sobrang tawa. It was very embarrassing.”
Tinanong naman ni Pars Kuya Kim Atienza ang aktor kung hindi ba nagalit ang komedyante sa kanya matapos ang nangyaring aksidente.
Aniya, “I don't know. Sobrang sorry. You're so funny talaga [Sweet] and I didn't mean to laugh like that at an accident. Pero it was Sweet, and anything Sweet does talaga makes me laugh.”
Alamin pa ang iba't ibang nakakalokang celebrity encounters nina JC Tiuseco, Rafael Rosell, at Camille Prats sa Mars Pa More video sa itaas.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na panoorin ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.
Samantala, alamin kung sino ang mga maging Kapuso leading lady ni Rafael Rosell sa gallery na ito.