TV

Klea Pineda, inaming muntik nang makarelasyon si Andre Paras?

By Dianne Mariano
Ayon kay Klea Pineda, ang relasyon niya raw kay Andre Paras ay muntikan nang mag-level up? Alamin ang sagot niya rito.

Ibinahagi ni Stories From The Heart: Never Say Goodbye star na si Klea Pineda na muntik nang mag-level up ang kanyang relasyon kay Andre Paras.

Ito ay kanyang sinagot sa larong “TaranTanong” ng Mars Pa More kaninang umaga (Ocotober 21).

Sa segment na ito, kailangan niyang sagutin ang tanong na: “Sa mga Kapuso boys na na-link sa iyo dati, sino sa mga ito ang medyo may katotohanan? A. Jeric Gonzales B. Jak Roberto or C. Andre Paras.”

Napili ng Kapuso actress ay si Andre Paras at pabirong sinabi, “Wala ng explanation ah. Okay na 'yun ah. Hindi na ako magpapaliwanag.”

Paliwanang ni Klea, "Si Andre kasi, maganda yung foundation ng friendship namin. So, nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay pero no'ng napupunta na kami somewhere na 'yung feelings namin sa isa't isa... nag-pause kami bigla 'e, parang nag-pause lang bigla.”

“Pero 'yung sa tatlong choices kanina, siya yung pinakaclose sa akin. May bonding talaga... Muntikan lang. 'Yung timing namin hindi puwede. Hindi tugma,” dagdag pa ng aktres.

Nagkatrabaho naman sina Klea at Andre sa iba't ibang projects sa Kapuso Network gaya ng Encantadia (2016) at Sirkus (2018).

Samantala, mapapanood si Klea bilang Joyce Kintanar sa mini-drama series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye sa GMA Afternoon Prime.

Alamin ang buong nakatutuwa na mga sagot nina Iya, Camille, Klea, at Ian Red sa “TaraTanong” sa Mars Pa More video sa itaas.

Para sa mas marami pang celebrity features gaya nito, patuloy na panoorin ang Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.

Samantala, tingnan ang impeccable fashion sense ni Klea Pineda sa gallery na ito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.