Iya Villania at isang Beks Battalion member, may nahalikan nang babae?
Maraming rebelasyon ang naganap sa masayang “Never Have I Ever” game ng Mars Pa More hosts na sina Iya Villania at Camille Prats, kasama ang sikat na vloggers ng Beks Battalion.
Sina Mars Iya at Camille kasama ang Beks Battalion. / Source: Mars Pa More
Isa ang grupong Beks Battalion sa mga sikat na YouTube personalities sa Pilipinas ngayon. Ang grupo ng stand-up comedians-turned-volggers ay kinabibilangan nina MC, Chad, at Lassy. Kamakailan lang ay umabot na sa 1M ang kanilang subscribers sa video-sharing site.
Nakasaad din sa kanilang YouTube channel description na ang kanilang misyon ay ang maghasik ng katatawanan, at walang dudang nagampanan naman nila ito.
Kasalukuyang may higit 64M views ang kanilang channel at talagang kinagigiliwan ng mga netizens ang kanilang mga funny content na pinaghalu-halong pranks, challenges, home tours, at marami pang iba.
At sa kanilang guest appearance sa Mars Pa More, game silang nakipaglaro ng “Never Have I Ever” kasama sina Iya at Camille.
Unang tanong pa lang ay pasabog na nang sabihin ni Iya, “Never have I ever kissed a girl sa lips.”
Tila nagulat ang lahat nang maglagay ng powder sa mukha si Iya. Pag-amin ni Iya, “But I have. Kaya maglalagay ako ng polbo. (laughs)”
Ayon kay Iya kaklase raw niya noon ang naturang babae.
Buong tapang ding umamin si Chad na may nahalikan na siyang babae sa labi.
Biro ng kapwa Beks Battalion member niya na si Lassy, “Kiniss siya ng girl kasi tinatanggal yung sumpa. (laughs)”
Isa pa sa mga naging tanong ay ang “Never have I ever na nagpagawa ng bubong ng jowa.”
Si Lassy lamang ang bukod tanging umamin na gumawa nito. Ani Lassy, “Never…never akong tumanggi na ipaggawa talaga 'yon. (laughs)”
Nag-joke naman si Chad na ipinagawa nga ni Lassy 'yung bubong ng bahay ng jowa niya pero wala naman daw dingding.
Pabirong komento ni Camille, “Siguro naman 'yung dingding sila na bahala dun, 'di ba? At least may bubong. (laughs)”
Ani Lassy, “'Yung pamilya ko 'yung walang bubong ngayon. Kasi 'yung bubong namin nilipat ko doon. (laughs) Galit na galit 'yung nanay ko. (Sabi niya) 'Saan mo dadalhin 'yan?!'”
Natanong din sa masayang laro ang “Never have I ever na nakipagtalo at 'nakipagbugbugan' in public sa kanyang jowa.”
Lahat ng miyembro ng Beks Battalion ay naglagay ng polbo sa mukha, na ibig sabihin ay lahat sila ay nakaranas na nito.
Maging si Iya medyo naka-relate rin sa tanong. Paglilinaw ni Iya, “Pero hindi bugbog. Hindi bugbugan.”
“Hindi ko na-keep (laughs) Hindi ko na hold in, hindi ko na-keep in sa sarili ko, mars. Nailabas ko siya. So yes, kaya may powder ako.”
Komento ni MC, “Tingnan mo ha. Ang ganda na ni Mars Iya ha.”
Sumang-ayon naman dito si Camille at sinabi, “It happens to anyone talaga.”
Nagbahagi rin ng kuwento si Lassy tungkol sa tingin ng tao kapag may itsura yung nakikipag-away in public.
“Kapag may itsura talaga, 'pag nag-aaway sa public [ang] masasabi, 'Ay, nagtatalo lang sila sa relasyon.' Pero 'pag kami, 'Ay! May kinuha 'yang hindi kanya. (laughs)”
Hirit ni Camille, “Siguro ayaw ibalik nito 'yung cellphone, 'yung motor o 'yung rubber shoes.”
Tawang-tawa ang Beks Battalion members dito at sabi ni Lassy, “Aray ko. Ang sakit ha!”
Panoorin ang buong nakakatuwang game ng “Never Have I Ever” nina Mars Iya at Camille kasama ang Beks Battalion sa Mars Pa More video sa itaas.
Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.
Para sa iba pang celebrity features tulad nito, manood lang ng Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 A.M. sa GMA-7.
Alamin ang relationship advice nina Gladys Guevarra at Nicole Hyala tungkol sa pagseselos.