What's on TV

Alden Richards, umaming minsang naging bida-bida

By Racquel Quieta
Published March 9, 2020 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards in Mars Pa More


Alamin ang pagkakaiba ng 'bida' at 'bida-bida' mula kina Alden Richards, Betong Sumaya at motivational speaker Michael Angelo Lubrin. Panoorin DITO:

Napag-usapan sa segment na Mars Sharing Group ng Mars Pa More ang topic tungkol sa pagiging 'bida' at 'bida-bida'. Hindi raw maiiwasan na sa isang grupo ay magkaroon ng bida, at kadalasan mayroon din namang bida-bida. Pero, ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa?

Alden Richards, Betong Sumaya at motiviational speaker Michael Angelo Lubrin, pinag-usapan ang pagkakaiba ng bida at bida-bida
Alden Richards, Betong Sumaya at motiviational speaker Michael Angelo Lubrin, pinag-usapan ang pagkakaiba ng bida at bida-bida

Ipinaliwanag ng motivational speaker na si Michael Angelo Lubrin ang pagkakaiba ng bida at bida-bida. Aniya, “Yung bida, ito yung karakter ng isang tao na ikaw talaga. Halimbawa, ako, alam ko kung saan ang galing ko. Halimbawa, nalaman ko na ipinanganak pa lang ako ako'y bungangang naging tao dahil madaldal ako. So, ang bida ko ay yung communication. So, 'yon ang galing ko.”

“Ang bida-bida para sa akin, 'pag pinilit ko yung mga bagay na hindi naman ako, para lang masabi kong alam ko yung ginagawa mo.”

Dagdag pa ni Michael Angelo, “So, may mga taong ganyan na bida ka talaga sa field mo, sa character mo, ikaw 'yan, lulutang. 'Pag bida ka, normal 'yon, hindi mo kailangan mag-effort. Pero 'pag bida-bida ka, masyado kang maraming sinasabi tapos kapag chineck naman, hindi talaga ikaw 'yon.”

Sinang-ayunan naman ito ng Kapuso comedian and host na si Betong Sumaya. Naranasan na raw kasi niyang maging bida-bida noong minsan siyang nag-apply para sa isang trabaho.

Kuwento ni Betong, “Nag-apply ako sa isang food chain tapos sinabi sa 'kin 'Do you know something about the kitchen?' Sabi ko 'Yes, I know that.' So, sinabi 'What are the sections of the kitchen?' (Tapos ang sagot ko) 'There's the sink.' mga ganun. (laughs) May mga term pala (para doon). Kasi nga gusto kong makuha yung trabaho so sinabi ko alam ko, pero ang ending 'di ko siya nakuha. Ang lesson doon, 'pag 'di mo talaga alam, 'wag kang magmarunong.”

At nang tinanong naman ng Mars Pa More hosts na sina Iya Villania at Camille Prats si Asia's Multimedia Star Alden Richards kung minsan na ba niyang naranasang maging bida-bida, walang pag-aalinlangan siyang sumagot ng, “Of course. Meron. Meron.”

Alamin kung kalian at bakit nasabi ni Alden na minsan siyang naging bida-bida sa episode na ito ng Mars Pa More: