WATCH: Divine Tetay, nakaranas ng pambubugbog mula sa kanyang ex!
Buong tapang na inamin ng komedyanteng si Divine Tetay na minsan na siyang nakaranas ng pananakit mula sa dati niyang nakarelasyon.
Sa segment na “Mars Sharing Group” ng programang Mars Pa More, ibinahagi nina Divine Tetay at Rochelle Pangilinan ang kanilang mga palaban moments sa buhay, base sa mga movie lines na mabubunot nila.
Ang nabunot na linya ni Divine Tetay ay mula sa pelikula ni Robin Padilla na Walang Awa Kung Pumatay: “Kung may ranggo ang mga tanga, heneral ka.”
At walang pag-aalinlangan niyang sinabi na naka-relate siya sa linyang ito dahil sa nangyari dati sa kanyang lovelife.
“Buti I was able to finish it, although tumagal siya ng four years and four months.
“He's taller than me, bigger than me. Sinasaktan niya ko, sa laki kong 'to ha.
“Pero napakasaya ko na wala na. Then, I learned na sobrang daming aral sa ganun.
“'Tapos, yung mga kaibigan ko na nasa ganun ding situation, sinasabihan ko na itigil na nila yun.”
Dagdag pa ni Tetay, “Ang pasalamat ko na lang I was able to get out of that relationship 'cause it's truly not good, guys. Mga mars, hindi siya maganda, ever.”
Panoorin kung ano ang payo ni Divine Tetay at Mars Pa More hosts Iya at Camille sa mga nakakaranas ng pambubugbog mula sa kanilang partner, sa episode na ito ng Mars Pa More: