Filtered By: TV
TV

Boobay, bibigyang-boses si Fulgoso ng 'MariMar'

Updated On: February 24, 2020, 02:53 AM
Challenging man ang kanyang pag-voice over para kay Fulgoso, bongga naman ito dahil marunong ito ng beki linggo.
By CHERRY SUN

Ang komedyanteng si Boobay ang magbibigay-boses sa sidekick ni Marimar, ang asong si Fulgoso.

“Sobrang fan na ako, lalo kay Fulgoso na ginampanan ni Michael V before. Nung itinawag sa akin, sabi ko,’Ako talaga?,’” kwento niya sa 24 Oras.

 

guys, meet baby Fulgoso... ???????????? awwww!???????????? #Marimar2015 #bekidog

A photo posted by norman balbuena (@boobay7) on



Challenging man ang kanyang pag-voice over para kay Fulgoso, bongga naman ito dahil marunong ito ng beki linggo.

READ: Beki language, maririnig mula kay Fulgoso ng 'Marimar'

“Hindi ako kasama sa taping, hindi ko nakikita ‘yung nangyayari. So dapat malakas ‘yung imagination mo para tama ‘yung emosyon na naiibigay mo,” sambit ni Boobay.

“Hindi ka nila nakikita bilang Boobay, kundi bilang aso. Susubukan mo namang magpatawa sa pagitan ng 'yong boses,” dugtong niya.

Pinapractice din ni Boobay sa kanyang shih tzu na si Kendra ang kanyang mga linya.

Wika niya, “Mas nagkaroon ako ng connection doon sa dog ko, para mas maramdaman ko ‘yung character, pag nagda-dubbing na.”

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.