GMA Logo juancho trivino padre salvi
What's on TV

Juancho Trivino, tuwang-tuwa sa natanggap na Padre Salvi action figure

By Nherz Almo
Published February 18, 2023 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Allyson Hetland named Pampanga's rep for Miss Universe Philippines 2026
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

juancho trivino padre salvi


“Pagkabukas ko ng box, ito ang unang-unang nakita ko!" Alamin kung ano ang tinutukoy ni Juancho Trivino rito:

Dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Padre Salvi, hindi na maiwasang maiugnay si Juancho Trivino sa karakter na kanyang ginampanana sa Maria Clara at Ibarra.

Isang patunay rito ang pagpapadala sa kanya ng action figure ni Padre Salvi ng Peppi Works, isang small business na gumagawa ng customized figures gamit ang clay.

Sa isang Instagram Reel, ipinakita ni Juancho ang unboxing ng naturang action figure na natanggap niya.

Sabi niya habang binubuksan ito, “Alam n'yo matagal ko nang pangarap magkaroon ng Funko Pop or action figure. Ngayon pa lang, gusto na magpasalamat sa Peppi Works for making my dreams come true.”

Sa loob ng plastic box, makikita ang larawan ni Juancho very in character bilang si Padre Salvi.

“Pagkabukas ko ng box, ito ang unang-unang nakita ko,” natatawang sabi ni Juancho habang ipinapakita ang bunbunan ni action figure.

Matatandaan na naging tampulan ng biro si Juancho ang pagiging panot ni Padre Salvi, na kilalang karakter sa mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Sa nakaraang panayam, ipinaliwanag ni Juancho kung bakit tila panot si Padre Salvi.

Aniya, “Ginagawa siya sa mga bagong kura. Its called the tonsure, so hindi siya panot. Sadya siya noong unang panahon na kinakalbo talaga 'yung top," paliwanag niya.

Ang tonsure ay ang ang pag-aahit ng bahagi ng ulo bilang simbolo ng pagpapakumbaba ng isang taong papasok sa pagpapari.

Samantala, natuwa rin sa action figure ang asawa ni Juancho na si Joyce Pring dahil kuhang-kuha umano nito ang pagganap ng aktor bilang Padre Salvi.

Aniya, “Ang haba rin ng mga biyas niya, just like you.”

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

Bago ang action figure na ito, natuwa rin si Juancho sa isa pang Padre Salvi merch na nakita niya online. Sa katunayan, um-order pa siya ng 200 piraso nito.

Ayon kay Juancho, na-enjoy niya ang pagganap bilang Padre Salvi sa Maria Clara at Ibarra.

"Isa 'to sa pinaka nag-enjoy ako na character na gawin. Nawala 'yung mga limitations ko. Sa pagkakasulat pa lang nakakainis na 'yung character ni Padre Salvi so habang ginawa ko, ang dami kong naiiisip na mga maliliit at malalaking bagay na lalong magdadagdag sa kanya ng color."

SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG MGA NAGING HAIRSTYLE NI JUANCHO RITO: