Francis Mata as Pilosopo Tasyo
TV

Pagpanaw ni Pilosopo Tasyo sa 'Maria Clara at Ibarra,' pinag-usapan sa social media

By Abbygael Hilario
Umani ng papuri mula sa netizens ang aktor na si Francis Mata dahil sa kaniyang mahusay na pagganap bilang Pilosopo Tasyo sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga manonood sa pagpanaw ni Pilosopo Tasyo (Francis Mata) sa episode ng Maria Clara at Ibarra kagabi, January 9, 2023.

Hanggang ngayon ay trending ito sa Twitter na umani na ng halos 1,300 tweets!

Samu't saring papuri rin ang natanggap ng aktor na si Francis Mata dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa serye bilang Pilosopo Tasyo.

Para sa ilang viewers, mami-miss nila ang mga makabuluhang opinyon at matalinhagang salita nito na talagang kinapupulutan ng aral.

Kabilang sa kaniyang mga hindi malilimutang linya ay ang kaniyang mga huling salita bago siya mawalan ng hininga.

"Kay pait naman na ang aking kapalaran ang 'di masilayan ang pagmulat ng aking bayan."

“I still can't gasp the reality that Pilosopo Tasyo is now gone. Maraming salamat sa mga matatalinhaga at makahulugan mong salita, Pilosopo Tasyo. Hanggang sa muli,” ani @jslqliese.

“Pilosopo Tasyo is one of the characters that I hold dear in NMT. His death in the book was a lonely one. He was found lifeless in his solitary home. But this time around through MCI, he died a poetic death,” komento ni @isabelrenegade.

Binalikan din ng ibang manonood ang eksena kung saan kinausap ni Fidel (David Licauco) si Pilosopo Tasyo tungkol sa kaniyang nararamdaman para kay Klay (Barbie Forteza).

“Pilosopo Tasyo's passing hurts more. It's the first time he shared his vulnerable & intimate side sharing his love life. He's the one Fidel confesses his love for Klay to first. Fidel calling him “Senyor Anastacio” showed his respect for him. I loved this interaction so much. #MCIInuusig” sulat ni @fidelitism.

Panoorin ang full episode ng Maria Clara at Ibarra kagabi, January 9.

SAMANTALA, TIGNAN ANG 10 BEST MOMENTS MULA SA 'MARIA CLARA AT IBARRA' SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.