Maria Clara at Ibarra
TV

Pagtatangkaan ni Crisostomo ang buhay ni Padre Damaso sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Updated On: December 15, 2022, 03:07 PM
Masusubukan ang pagtitimpi ni Crisostomo kay Padre Damaso sa 'Maria Clara at Ibarra' ngayong gabi, December 15.

Isa na namang iconic na eksena mula sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal ang mapapanood ngayong gabi, December 15, sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa isang pagtitipon, patuloy na yuyurakan ni Padre Damaso (Tirso Cruz III) ang katauhan ni Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo).

Masusubukan ang pagtitimpi ng binata dahil bukod sa pang-iinsulto ng prayle sa kanya, patuloy rin ang paninirang-puri nito sa alaala ng kanyang ama.

Dagdag pa sa pag-ikli ng mitsa ni Ibarra ang pilit na paglalayo sa kanya ng kasitahang si Maria Clara (Julie Anne San Jose) bilang parusa sa pagpapatayo niya ng libreng paaralan para sa kabataan ng San Diego.

Nang 'di na mapigilan ang kanyang emosyon, pagtatangkaan ni Ibarra ang buhay ni Padre Damaso sa harap ng mga panauhin sa espesyal na pananghalian inihanda ng alkalde.



Abangan ang eksenang 'yan ngayong gabi, December 15, sa Maria Clara at Ibarra. Patuloy ring tutukan ang serye, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.