Barbie Forteza and Jak Roberto
TV

Jak Roberto, proud kay Barbie Forteza sa pagganap niya bilang Klay sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Jansen Ramos
Jak Roberto sa performance ni Barbie Forteza sa 'Maria Clara at Ibarra:' “Napaka-inborn ng talent niya.”

Patuloy na gumagawa ng ingay ang hit GMA primetime series na Maria Clara at Ibarra.

Isa sa mga bida nito na si Barbie Forteza ay laging laman ng social media dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Klay sa serye. Dito ay isang Gen Z nursing student si Barbie na napunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Bahagi ng Kapuso actress sa December 8 episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, "In-expect ko na ganito siyang kalaking proyekto dahil nu'ng sinabi po sa akin 'tong show na 'to, sinabi rin sa akin 'yong cast. So doon pa lang malinaw na sa akin na malaking project siya.

"And then 'yung storyline, 'yung talagang bubusisiin namin ang Noli Me Tangere. So siyempre inisip ko na agad 'yung setting, 'yung production design, lahat, costumes, so doon talagang unti-unti nare-realize ko talaga na malaking project siya."

Ang hindi raw inaasahan ni Barbie ay ang malaking reception na natatanggap ng Kapuso historical portal fantasy series.

"Hindi ko in-expect na ganun kaganda at ka-warm 'yung reception ng mga tao sa aming show dahil minahal nila 'yung show e,” aniya. "Actually marami ngang bumili ulit ng Noli Me Tangere para maka-catch up sila sa mga nangyayari. Para, 'di ba, masundan nila si Klay, kung anong gagawin ni Klay kung ano 'yung difference na gagawin ni Klay doon sa nobela”

"So ayun, nakakatuwa lang talaga at nakakataba ng puso na part ako ng show na 'yun, napaka-importanteng project," dagdag niya.

Proud na proud naman si Jak Roberto sa tinatamasang success ng kanyang girlfriend na si Barbie.

Sabi ni Jak, "'Pag pinapanood ko yung Maria Clara at Ibarra, karamihan ng eksena niya siya lang mag-isa.”

"Kumbaga nagmo-monologue siya lagi sa bawat eksena. Dalang-dala niya 'yung bawat eksena kasi parang 'yung mga viewers pagka na-bore, sa bato mo 'yan o sa pag-atake mo sa scene hindi magiging interesting ang bawat eksena e. Pero siya kasi, ewan ko ba dito, napaka-inborn ng talent niya pagdating sa ganiyan."

Pakinggan ang buong panayam ng podcast host na si Nelson Canlas kina Barbie at Jak dito:

Mapapanood ang Maria Clara at Ibarra Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

NARITO ANG IBA PANG MGA TAUHAN NG SERYE:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.