MUST SEE: Dennis Trillo, isinukat ang prosthetic ni Padre Salvi ng 'Maria Clara at Ibarra'
Kahit si Kapuso Drama King Dennis Trillo ay naging curious sa prosthetic ng kanyang Maria Clara at Ibarra co-star na si Juancho Trivino.
Si Dennis ang gumaganap bilang Crisostomo Ibarra pero habang naka-break sa kanilang mga eksena, hindi niya pinalampas na isukat ang head piece ng karakter ni Juancho na si Padre Salvi.
Ang prosthetic head piece na ito ang nagbibigay ng "panot" na look kay Juancho.
Matatandaan namang ipinaliwanag na ni Juancho na hindi panot si Padre Salvi kundi dumaan sa practice na tinatawag na tonsure. Ang tonsure ay ang ang pag-aahit ng bahagi ng ulo bilang simbolo ng pagpapakumbaba ng isang taong papasok sa pagpapari.
Kumusta naman kaya ang look ni Dennis bilang Padre Salvi?
DT IG's story
-- juan crisostomo (@cjuanibarra) November 18, 2022
Padre Salvi yarn😂#MCIOutCast
Dennis Trillo pic.twitter.com/0jg1lbJX3Y
Sa kasalukuyang takbo ng Maria Clara at Ibarra, nagkrus na ang landas ni Ibarra at ng misteryosong bangkero na si Elias, played bY Rocco Nacino.
Tuloy lang nag pagpapagawa ng paaralan ni Ibarra pero magiging hadlang sa kanyang mga plano sina Padre Salvi pati na si Padre Damaso na karakter ni Tirso Cruz III.
Patuloy na tutukan ang hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Mapanood naman ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA MARIA CLARA AT IBARRA: