'Maria Clara at Ibarra,' mas magiging maaksyon sa pagdating ni Elias
Magiging mas maaksyon ang hit historical portal fantasy na Maria Clara at Ibarra sa nalalapit na pagdating ng karakter ni Elias.
Si Kapuso actor Rocco Nacino ang magbibigay-buhay sa karakter na ito.
Si Elias ang misteryosong pugante na magiging kaibigan ni Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo). Magiging magkatuwang sila sa pagsusulong ng mga adhikain para sa bayan ng San Diego.
Abangan ang mga maaksyong tagpong dala ni Elia sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Mapanood naman nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG DAPAT ABANGAN SA BAGONG KABANATA NG MARIA CLARA AT IBARRA DITO: