andrea torres in maria clara at ibarra
TV

'Maria Clara at Ibarra' episode tungkol sa pagkabaliw ni Sisa, sumakto ang pagpapalabas sa petsang nakasaad sa nobela

By Marah Ruiz
Sumakto sa petsang nakasaad sa Noli Me Tangere ang airing ng episode ng 'Maria Clara at Ibarra' kung saan nagsimula ang sintomas ng mental illness ni Sisa.

Isang kakaibang coincidence ang episode kahapon, November 1, ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Napanood dito ang pag-aresto ng guardia civil kay Sisa (Andrea Torres) dahil sa bintang na pagnanakaw ng kanyang mga anak na si Crispin (Kian Co).

Habang nasa kwartel, dito na unang nakita ang sintomas ng pagkawala ng katinuan ng isip ni Sisa.

Napansin ng eagle-eyed netizen na si Jerwin Regala na sakto ito sa petsang nakasaad sa Noli Me Tangere, kung saan hango ang serye, kung kailan nagsimula ang mga problema ni Sisa.

Binanggit ni Jerwin ang pag-aaral ng kilalalang writer, historian, at psychiatrist na si Dr. Luciano Perez-Rivera Santiago sa "Psychopathy of Sisa," kung saan sinubukang suriin ang posibleng mental illness ni Sisa base sa mga sintomas na iniliarawan sa nobela.

"It was November 1 when Narcisa of 'Noli Me Tangere' started showing symptoms of a mental disorder, according to an article/book(?) which I randomly discovered while doing a "self-study" of Filipino Psychology. Today, November 1, 2022, GMA's Maria Clara at Ibarra's airing shows the onset of Sisa's illness. As a fan of screenwriting at isang history geek, AMAZEDT NA AMAZEDT AKOOO!! Goosebumps. Napaka timely ng episode today," sulat niya sa kanyang post.

Ayon sa Noli Me Tangere, November 1 o araw ng Todos los Santos nakatakdang umuwi sina Basilio (Stanley Abuloc) at Crispin mula sa isang linggong pagtatrabaho sa simbahan.

Pero sa gabing ito si Basilio lamang ang nakauwi at may sugat pa ito sa ulo, habang naiwan sa sakristan mayor si Crispin dahil sa paratang na pagnanakaw.

Kinabukasan, kahit halos hindi nakatulog sa kaiisip sa bunsong anak, dumulog si Sisa sa kumbento para hanapin ito. Sa araw na ito rin siya dinakip ng guardia civil at ikunulong sa kwartel kung saan nanatili siyang tulala.

Balikan ang mga eksena rito:

Bahagyang naiba ang "timeline" ng kuwento sa Maria Clara at Ibarra dahil sa tangkang pagtulong ni Klay (Barbie Forteza) sa dalawang bata.

Ano kaya ang mangyayari kay Sisa? Matutulungan pa ba siya ni Klay?

Alamin 'yan sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Mapanood naman ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

KILALANIN ANG MGA TAUHAN SA MARIA CLARA AT IBARRA RITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.