Maria Clara at Ibarra
TV

Bahay ni Sisa sa 'Maria Clara at Ibarra,' itinayo mismo ng production design team ng serye

By Marah Ruiz
Silipin kung paano itinayo ng production design team 'Maria Clara at Ibarra' ang kubo ni Sisa na mapapanood sa serye.

Gabi-gabing nakakatanggap ng mga papuri ang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Bukod kasi sa magandang kuwento at mahusay na mga pagganap, busog na busog rin ang mata ng mga manonood dahil sa pulidong production design nito.

Isang tidbit na lubos na hinangaan ng mga manonood ay ang detalye ng Fonda de Lala, o Fonda Francesca de Lala Ary, isang tunay na hotel noong panahon ng Kastila at lugar na nabanggit sa nobelang "Noli Me Tangere" na tinuluyan ni Crisostomo Ibarra.

Kuhang-kuha ng serye ang signage nito na makikita sa mga eksenang sinundan ni Klay (Barbie Forteza) si Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) sa tinuluyan nito nang makauwi sa bansa matapos ang pitong taong pag-aaral sa Europa.


Muling hinangaan ang production design team ng serye dahil sa mga detalye ng bahay kubo ni Sisa (Andrea Torres).


Ayon sa production designer na Maria Clara at Ibarra na si Bill Gustilo, sila mismo ng kanyang team ang nagtayo ng bahay kubo na ito from scratch. Naging references daw nila ang ilang lumang mga litrato ng mga bahay kubo.

Nagbahagi rin siya ng ilang litrato mula sa pagbuo nila ng kubo.

Photos courtesy of Bill Gustilo

Narito naman ang ilang detalye ng loob ng kubo ni Sisa noong nadagdagan na ito ng ilang props at gamit.

Photos courtesy of Bill Gustilo

Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN DIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO:


Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.