TV

Dennis Trillo, pinapahalagahan ang tiwala ng 'Maria Clara at Ibarra' team

By Marah Ruiz
Pinapahalagahan daw ni Dennis Trillo ang tiwalang ibinigay sa kanya ng team ng 'Maria Clara at Ibarra.'

Isang karangalan daw para kay Kapuso Drama King Dennis Trillo ang gumanap bilang isa sa iconic characters sa Philippine literature.

Siya kasi ang gumaganap bilang Crisostomo Ibarra sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, isang kakaibang adapatation ng mga nobela ni Jose Rizal na 'Noli Me Tangere' at 'El Filibusterismo.'

Itinuturing ni Dennis na responsibilidad ang pagganap sa isa sa pinakamahalagang tauhan sa larangan ng panitikan.

Bukod dito, lalo pa raw niyang pinagbubuti ang trabaho bilang pagpapahalaga sa tiwalang ibinigay sa kanya ng team na nasa likod ng Maria Clara at Ibarra.

"Mahalaga sa akin 'yung pag-acknowlegge nila na kaya ''to ni Dennis, ibibigay natin 'to sa kanya.' So ako naman in return, ginagawa ko 'yung trabaho ko para hindi ako mapahiya sa kanila at hindi masayang 'yung tiwala na binigay nila sa akin," pahayag ng aktor sa podcast na Updated with Nelson Canlas.

Dahil sa husay ni Dennis at ng kanyang co-stars na sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, tuloy-tuloy rin ang maanit na pagtanggap ng mga manonood ng Maria Clara at Ibarra, on air at online.

Consistent na mataas na ratings nito at humakot na rin ng mahigit one million views each ang full episodes nito online.

Dagdag ito sa blessings na patuloy na natatanggap ni Dennis, tulad na lang ng nomination ng pelikula niyang On the Job: The Missing 8 sa International Emmys at pagpasok nito bilang official entry ng Pilipinas sa Best International Feature Film category para sa 95th Academy Awards.

Samantala, patuloy na panoorin si Dennis Trillo bilang Crisostomo Ibarra sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN DIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO:


Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.