TV

'Maria Clara at Ibarra,' nagagamit sa guided tours ng Intramuros para maka-relate sa kabataan

By Marah Ruiz
Nagagamit ang 'Maria Clara at Ibarra' para mas maging engaging sa kabataan ang free guided tours sa Intramuros.

Talagang maituturing na educational tool ang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Pinagbibidahan nito nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Bukod sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa kasaysayan at panitikan ng Pilipinas, nagagamit din ito para mas ma-engage ang mga kabataan para matuto.

Sa katunayan, nagagamit daw ang Maria Clara at Ibarra sa free guided tours ng Intramuros para mas maka-relate rito ang mga kabataan at mga mag-aaral.

"Para po maitama natin 'yung mga kumakalat na mali sa social media at mapaigting 'yung ating pagmamahal sa ating bayan, lalo ngayon at ang dami naming napapansin, ang daming mga kabataan na nagpupunta ngayon. Kapag po sumasama sa aming free guided tour, nai-incorproiate namin sa aming narrative 'yung show na 'Maria Clara at Ibarra,'" pahayag ni JB Quemado, isang tour guide na accredited ng Department of Tourism.

"Napakasaya na makagbahagi ng kasaysayan, lalo na ngayon na napapanahon 'yung mga fake news, 'yung mga false information," bahagi naman ni Vincent Hallig, isa ring DOT accredited tour guide.

Ang free guided tours ng Intramuros ay proyekto ng Department of Tourism at Intramuros Administration.

Panoorin ang buong ulat ni Vonne Aquino para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang maanit na pagtanggap ng mga manonood ng Maria Clara at Ibarra, on air at online.

Bukod kasi sa consistent na mataas na ratings nito, humakot na rin ng mahigit one million views each ang full episodes nito online.

Maria Clara at Ibarra views


Patuloy ring panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA RITO:


NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.