Source: myjaps (IG)
TV

Julie Anne San Jose, pinahanga ang mga manonood ng 'Maria Clara at Ibarra' sa pagkanta sa Latin

By Marah Ruiz
Updated On: October 11, 2022, 08:15 PM
Pinahanga ni Julie Anne San Jose ang mga manonood sa pagkanta niya ng Latin sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Inulan ng papuri si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose dahil sa isang napakagandang eksena sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa episode kagabi, October 10, mapapanood si Julie Anne na kumakanta "Ave Maria," isang Latin prayer song na gumagamit ng melody ng "Ellens Gesang III" ni Franz Shubert.

Bukod sa pag-awit, makikita ring tumutugtog ng piano si Julie Anne sa eksena kaya naman ikinabighani ng mga manonood ang eksenang ito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita ng Latin si Julie Anne sa serye. Sa unang episode kasi ng Maria Clara at Ibarra, maririnig siyang nagdadasal ng Latin na Hail Mary sa isang emosyonal na eksena sa tuktok ng beaterio.

Samantala, nasaksihan na rin sa episode kagabi ang pagdating ni Padre Salvi (Juancho Trivino).

Inihalutulad ng mga netizens ang kanilang sarili kay Klay (Barbie Forteza) dahil alam nila ang kapahamakang dala ng prayle kay Maria Clara ngunit wala silang magagawa tungkol dito.

Ikinatuwa rin naman ng mga manonood ang pagkikita sa wakas nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo).

Batid na rin ng marami ang nabubuong chemisry sa pagitan nina Klay at Fidel (David Licauco).

Kaya naman top trending topic sa Twitter Philippines ang official hashtag ng episode ng #MCIICameFromTheFuture.

Mainit din ang naging pagtanggap ng mga manonood sa episode na ito na umani ng combined ratings na 14.5 mula sa GMA at GTV.

Ngayong gabi, October 11, maglalakbay si Ibarra pabalik sa San Diego para bisitahin ang puntod ng kanyang ama.

Patuloy na panoorin ang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.