TV

Theme song ng 'Maria Clara at Ibarra,' available na sa Spotify at ibang streaming platforms simula October 18

By Marah Ruiz
Updated On: October 11, 2022, 05:51 PM
Maari nang pakinggan sa Spotify at iba pang streaming platforms ang "Babaguhin ang Buong Mundo" ni Julie Anne San Jose, ang theme song ng 'Maria Clara at Ibarra.'

Bukod sa pagiging isa sa lead stars ng historical portal fantasy na Maria Clara at Ibarra, si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose rin ang kumanta ng theme song nito.

Image Source: myjaps (Instagram)


Naririnig ang awit niyang "Babaguhin ang Buong Mundo" sa simula at pagtatapos ng bawat episode ng show at sa October 18, maari na itong i-stream sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Anghami at YouTube Music.

Si Simon L. Tan ang nagsulat ng music, lyrics at nag-arrange ng kanta, habang si Rocky Gacho naman ang nagsilbing producer nito.

Panoorin sa video sa itaas ng full music video para sa "Babaguhin ang Buong Mundo."

I-pre-save na ang awit dito: https://bfan.link/babaguhin-ang-buong-mundo

Patuloy ring panoorin si Julie Anne bilang si Maria Clara sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.