Juancho Trivino
Source: juanchotrivino (Instagram)
TV

Celebrities react to Juancho Trivino's look as Padre Salvi in 'Maria Clara at Ibarra'

By Jimboy Napoles
Approve kaya ang new look ni Juancho Triviño bilang si Padre Salvi sa kanyang celebrity friends?

Matinding paghahanda ang ginawa ng ng celebrity dad at Kapuso actor na si Juancho Triviño para sa kanyang pagganap bilang si Padre Salvi sa upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Ang nasabing serye ay iikot sa kuwento ng isang Gen Z na si Klay na gagampanan ni Barbie Forteza na mapapadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Isa sa pinaghandaan ni Juancho ay ang kanyang new look at hairstyle na kagaya mismo sa deskripsyon ng karakter ni Padre Salvi sa nobelang Noli Me Tangere kung saan sadsad ang buhok nito sa paikot at ibabaw ng ulo.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Juancho ang kanyang larawan bilang si Padre Salvi.

Dahil sa naiiba at bagong karakter ng aktor, hindi naiwasang magkomento ng kanyang mga kaibigan sa showbiz patungkol sa kanyang new look.

"Gusto ko magtalk. Pwede po ba?" komento ng aktor na si Kristoffer Martin.

"Parang pwedeng permanent hairstyle yan sayo," usisa naman ng dating Apoy sa Langit actress na si Mikee Quintos.

"Bro ganyan buhok ko pag pinahaba ko," reply ng direktor na si L.A. Madridejos.

"Bagay ah hehe," pagbati naman ni Dion Ignacio.

Habang tila may naalala naman ang aktres na si Janine Gutierrez sa larawan na ito ni Juancho.

"Naalala ko na naman Halloween costume mo Juanchi sa BGC [laughing emoji]," aniya.

Nagpapasalamat naman si Juancho sa suporta ng kanyang mga kaibigan sa kanyang bagong karakter na kung saan unang beses niyang gaganap bilang isang kontrabida.

Abangan si Juancho sa world premiere ng Maria Clara at Ibarra ngayong Lunes, October 3, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SILIPIN DIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA RITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.