TV

Barbie Forteza, ginunita ang mga naranasang sakuna sa taping ng 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Naranasan daw ni Barbie Forteza ang bagyo at lindol habang nasa lock-in taping ng 'Maria Clara at Ibarra.'

Very challenging daw para kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at sa buong cast at crew ng upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra dahil kinailangan nilang maging mabusisi sa kanilang produksiyon.

Nais daw kasi nilang makapaghatid ng accurate na pagtatanghal ng isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas.

Pero lalo pang naging challenging ang lock-in taping ng serye dahil naabutan sila ng iba't ibang sakuna habang on location.

"Nagsisimula na ang bagyo nang nasa Ilocos kami nito. Medyo na signal number three kami doon," paggunita ni Barbie sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

Ganito rin daw ang naranasan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

"Marami kaming na-experience dito na kalamidad--bagyo, lindol. Inabutan kami ng lindol sa Ilocos habang nagsu-shoot kami. Madaling araw, nandoon kami sa gitna ng Calle Crisologo, mayroon kaming kukunan na mahabang eksena kaso lang biglang lumindol," kuwento ng aktor sa isang separate interview.

Ang mga karanasang ito raw ang nagsilbing paalala kay Barbie na laging mag-ingat.

"Sa set, maghanap agad ng open area because you know the sakuna is always there. Nakakaloka! Kailangan maging alerto ka, maging listo ka sa lahat ng puwedeng magnyari," bahagi niya.

Hindi lang daw para sa sakuna ang mga paalalang ito kundi pati na rin sa kanyang physical health.

"Pangalagaan mo talaga 'yung kalusugan mo. Don't take anything for granted. Kunwari 'yung umaambon, huwag mong i-take for granted. Mag- payong ka talaga kasi ang hirap magkasakit, sa totoo lang," lahad niya.

Masaya naman si Barbie na naging maaruga sa isa't isa ang team ng Maria Clara at Ibarra.

"Ang pinagpapasalamat ko na lang talaga ay nakabuo kami ng pamilya sa set namin na talagang very maalaga. From the program manager to the executive producer to the staff, to our director, lahat talaga, concern nila ang mga artista and 'yung buong team, 'yung lahat ng taong nagtatrabaho. 'Yun lang din 'yung pinagpapasalamat ko. It may be very challenging pero teamwork pa rin talaga 'yung nanaig sa set namin," paliwanag niya.

Maria Clara at Ibarra


Gaganap si Barbie sa Maria Clara at Ibarra bilang Klay, isang Gen Z nursing student na mapapadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Dito niya makakasalamuha ang mga tauhan sa nobela tulad nina Crisostomo Ibarra na karakter ni Dennis, at Maria Clara, played by Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

Huwag palampasin ang world premiere ng Maria Clara at Ibarra ngayong October 3, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SILIPIN DIN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO:



Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.