Julie Anne San Jose, nakakuha ng acting tips kay Barbie Forteza sa 'Maria Clara at Ibarra'
Dalawang magkaibang Maria Clara ang matutunghayan sa upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Isa na riyan ang orihinal na Maria Clara na mula sa Noli Me Tangere na gagampanan ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.
Nariyan din ang modern version na si Klay, ang Gen Z working student mula sa 2022 na mapapapadpad sa mundo ng nobela, na karakter naman ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Bilang malapit na magkaibigan, masaya si Julie Anne na muling makasama si Barbie sa isang teleserye.
Image Source: barbaraforteza (Instagram)
"Si Kumareng Barbie! Ako naman, I always love working with Barbie. Nakatrabaho ko na siya before sa Heartful Cafe. Wala kaming ginawa kundi mag-chikahan nang mag-chikahan. Pero 'pag may eksena na, we do the work. We commit to work, pero 'pag outside the scene na, nag-chichikahan lang ulit kami," paggunita ni Julie Anne sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.
Sandali lang ang naging guest role ni Barbie noon sa Heartful Cafe kaya naman masaya si Julie Anne na mas matagal silang magkakatrabaho ngayon sa Maria Clara at Ibarra.
Bukod sa comfort na dinadala ng isang malapit na kaibigan habang nasa lock-in taping at malayo sa mga mahal sa buhay, nagbibigay din daw ng mahahalagang acting tips si Barbie kay Julie Anne.
"Napakagaling ni Barbie, napakahusay niya. Madami rin akong nakukuhang mga techniques kung papano gawin 'yung isang eksena. Siyempre maraming kailangan gawing sequences sa isang araw so doon ko natututunan from her na i-reserve 'yung energy, kung papano 'yung pag-sustain ng character. At the same time, it's always been fun working with Barbie talaga. I love Barbie," kuwento ng singer-actress.
Samantala, may ibubuga rin sa aktingan si Julie Anne dahil napaiyak niya ang team ng Maria Clara at Ibarra sa kanyang audition tape pa lang.
"Doon sa kanyang audition, nagbigay ako ng dalawang klase ng script. Isa 'yung breakdown ni Maria Clara doon sa bubong ng beaterio kung saan sobrang depressed siya at nagme-meltdown. Doon sa nagme-meltdown siya, may salita in Spanish, in Latin na prayers at saka Tagalog. Nagawa ni Julie Anne San Jose at talagang naiyak kami doon sa kanyang audition tape. Because of that, binoto ng lahat na siya na ang Maria Clara," lahad ng concept creator at head writer ng show na si Suzette Doctolero.
Abangan sina Julie Anne at Barbie sa Maria Clara at Ibarra, world premiere ngayong October 3, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
SILIPIN DIN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: