Julie Anne San Jose, pinaiyak ang team ng 'Maria Clara at Ibarra' sa kanyang audition
Isang iconic character ang gagampanan ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Siya kasi ang napili na gumanap bilang si Maria Clara na mula sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere.
"Si Maria Clara kasi napaka iconic niya eh. We all know her as a symbol of hope and purity and sacrifice. Ine-embody niya 'yung isang babae na may pinaglalaban sa buhay and pinaglalaban niya 'yung mga karapatan niya," paglalarawan ni Julie Anne sa kanyang karakter sa exclusive interview niya sa GMANetwork.com.
Ibinahagi naman ni Maria Clara at Ibarra concept creator at headwriter Suzette Doctolero kung paano napili si Julie Anne para sa serye.
"Si Julie Anne San Jose bilang Maria Clara ay nag-audition. Doon sa kanyang audition, nagbigay ako ng dalawang klase ng script. Isa 'yung breakdown ni Maria Clara doon sa bubong ng beaterio kung saan sobrang depressed siya at nagme-meltdown," kuwento ni Doctolero sa exclusive interview niya sa GMANetwork.com.
Napahanga ang napaiyak daw ni Julie Anne ang team sa kanyang audition kaya unanimous daw ang naging desisyon nilang kunin siya bilang Maria Clara.
"Doon sa nagme-meltdown siya, may salita in Spanish, in Latin na prayers at saka Tagalog. Nagawa ni Julie Anne San Jose at talagang naiyak kami doon sa kanyang audition tape. Because of that, binoto ng lahat na siya na ang Maria Clara," paggunita ni Doctolero.
Naging susi din daw ang musical abilities ni Julie Anne para mabingwit niya ang role.
"Bukod pa doon, mahusay siyang kumanta at nakakatugtog ng piano dahil si Maria Clara na aral sa beaterio ay magaling kumanta at tumutugtog ng piano," paliwanag ni Doctolero.
Makakasama ni Julie Anne sa serye si Barbie Forteza na gaganap bilang Gen Z nursing student at modern day Maria Clara o Klay na mapupunta sa mundo ng nobela, pati na si Dennis Trillo na gaganap naman bilang Cristostomo Ibarra na mula rin sa nobela ni Rizal.
Abangan si Julie Anne bilang Maria Clara sa Maria Clara at Ibarra, simula October 3 sa GMA Telebabad.
SILIPIN DIN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: