Partial cast ng historical portal fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra,' ipinakilala na
Ipinakilala na ang ilang cast members ng upcoming historical fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Una nang inanunsiyo na kabilang sa cast ng next big historical offering ng GMA sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, at Kapuso Drama King Dennis Trillo na tungkol sa isang Gen Z na papasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Ngayon naman, ibinahagi na ang roles na kanilang gagampanan.
Si Dennis ang gaganap bilang si Ibarra na mula sa nobela ni Rizal.
"Naisip ko na macha-challenge na naman ako dito sa role na pinagkaloob sa akin ng GMA. Siyempre sobrang grateful dahil pinagkaloob nila, pinagkatiwala nila sa akin ang napakahalagang historical role na kapupulutan ng aral ng maraming makakapanood nito," pahayag ni Dennis.
Si Julie Anne naman ay si Maria Clara na mula din sa nobela ni Rizal.
"Isa siya sa mga icons talaga ng Pilipinas at tumatak sa ating mga Pilipino. Napakalaking karangalan po," lahad ng singer-actress.
Gaganap naman si Barbie bilang Maria Clara mula sa kasalukuyang panahon.
"Mahirap mag-transition from the present time tapos makikibagay ka sa 1884 na era. Mahirap din talaga 'yun," bahagi naman ni Barbie.
Bukod sa kanila, bahagi din ng serye sina Rocco Nacino at Andrea Torres na mayroon din mahahalagang roles.
Image Source: nacinorocco (IG) / andreaetorres (IG)
Si Rocco ang gaganap bilang Elias na mula rin sa nobela ni Rizal.
"Kinakabahan po ako dito kasi malalim po 'yung Tagalog. Sa Singapore po ako lumaki so pagbalik ko dito sa Pilipinas, isa po 'yan sa mga subjects na nahirapan po talaga ako, Noli at El Fili," lahad ng aktor.
Gaganap naman si Andrea bilang Sisa, isa sa mga 'di malilimutang karakter sa nobela ni Rizal.
"Definitely po may pressure talaga. Ang dami mong dapat paghandaan. Ang dami mong mga range ng emosyon na dapat na mapakita," bahagi ni Andrea.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.
Patuloy namang bumista sa GMANetwork.com para sa iba pang updates tungkol sa Maria Clara at Ibarra.