'Maria Clara at Ibarra', finalist sa 2023 New York Festivals TV and Film Awards!
Ang seryeng pinakatatangi ng bayan na 'Maria Clara at Ibarra,' kinikilala sa prestihiyosong New York Festivals. Bahagi ka ng karangalang ito, Kapuso!
Isang Gen Z ang mapupunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Magigising na lang isang araw ang nursing student na si Klay at matatagpuan ang sarili sa mundo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Makikilala niya rito sina Maria Clara, Crisostomo Ibarra at iba pang karakter sa mga nobela na magtuturo sa kanya ng kahalagahan ng kasaysayan, pag-unawa sa kapwa, pagmamahal sa bayan at higit sa lahat, ang kapangyarihan ng pag-ibig.
Ang Maria Clara at Ibarra ay mula sa konsepto nina GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, RJ Nuevas, at Suzette Doctolero, habang si Zig Dulay ang magsisilbing direktor nito.
Kasama sa pagbuo ng serye sina Creative Director Aloy Adlawan, Content Development Consultant Ricky Lee, at historical and Noli Me Tangere and El Filibusterismo consultants na sina Ramon "Bomen” Guillermo at Gonzalo Campoamor.
Sina Suzette Doctolero at J-mee Katanyag ang headwriters ng serye, katuwang ang writers na sina Brylle Tabora at Benson Logronio pati ang brainstormer writers na sina Melchor Escarcha at Zita Garganera.
Isa itong produksiyon ng GMA Entertainment Drama Group sa ilalim nina Program Manager Edlyn Tallada Abuel at Executive Producer Shielyn Atienza.
Huwag palampasin ang unique reimagining ng dalawa sa pinakamahahalagang akda sa kasaysayan ng Pilipinas, ang seryeng Maria Clara at Ibarra.
Ang seryeng pinakatatangi ng bayan na 'Maria Clara at Ibarra,' kinikilala sa prestihiyosong New York Festivals. Bahagi ka ng karangalang ito, Kapuso!
Sa huling gabi ng seryeng minahal ng bayan, humanda sa mga rebelasyon at kumapit sa pag-asa. Huwag palampasin ang finale ng 'Maria Clara at Ibarra,' February 24, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa Pinoy Hits at livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream. Maaari ding mapanood ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.