About the Show

Isang Gen Z ang mapupunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Magigising na lang isang araw ang nursing student na si Klay at matatagpuan ang sarili sa mundo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Makikilala niya rito sina Maria Clara, Crisostomo Ibarra at iba pang karakter sa mga nobela na magtuturo sa kanya ng kahalagahan ng kasaysayan, pag-unawa sa kapwa, pagmamahal sa bayan at higit sa lahat, ang kapangyarihan ng pag-ibig.

Ang Maria Clara at Ibarra ay mula sa konsepto nina GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, RJ Nuevas, at Suzette Doctolero, habang si Zig Dulay ang magsisilbing direktor nito.

Kasama sa pagbuo ng serye sina Creative Director Aloy Adlawan, Content Development Consultant Ricky Lee, at historical and Noli Me Tangere and El Filibusterismo consultants na sina Ramon "Bomen” Guillermo at Gonzalo Campoamor.

Sina Suzette Doctolero at J-mee Katanyag ang headwriters ng serye, katuwang ang writers na sina Brylle Tabora at Benson Logronio pati ang brainstormer writers na sina Melchor Escarcha at Zita Garganera.

Isa itong produksiyon ng GMA Entertainment Drama Group sa ilalim nina Program Manager Edlyn Tallada Abuel at Executive Producer Shielyn Atienza.

Huwag palampasin ang unique reimagining ng dalawa sa pinakamahahalagang akda sa kasaysayan ng Pilipinas, ang seryeng Maria Clara at Ibarra.
 

Cast
  • Barbie Forteza
    Barbie Forteza as Maria Clara "Klay" Infantes

    Ang Gen Z nursing student na papasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal

  • Julie Anne San Jose
    Julie Anne San Jose as Maria Clara de los Santos y Alba

    Ang kasintahan ni Ibarra at anak ni Kapitan Tiago.

  • Dennis Trillo
    Dennis Trillo as Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin

    Ang Filipino-mestizo na magbabalik sa Las Filipinas matapos ang pitong taong pag-aaral sa Europa

  • Tirso Cruz III
    Tirso Cruz III as Padre Damaso Verdolagas

    Isang masamang prayle at ang tunay na ama ni Maria Clara na tumututol sa relasyon nila ni Ibarra

  • Manilyn Reynes
    Manilyn Reynes as Narcisa "Narsing" Infantes Asuncion

    Ang ina ni Klay na isang battered wife

  • Juan Rodrigo
    Juan Rodrigo as Santiago de los Santos o "Kapitan Tiago"

    Ama ni Maria Clara at isang mayamang negosyante sa Binondo

  • Rocco Nacino
    Rocco Nacino as Elias

    Isang rebelde na magiging katuwang ni Ibarra sa kanyang adhikain sa bayan

  • David Licauco
    David Licauco as Fidel de los Reyes

    Ang pilyong kaibigan ni Ibarra na nakapag-aral din sa Europa at malimit na kaaway ni Klay.

  • Juancho Trivino
    Juancho Trivino as Padre Bernardo Salvi

    Isang prayle na may lihim na pagnanasa kay Maria Clara

  • Ces Quesada
    Ces Quesada as Tiya Isabel

    Ang mahigpit na tiyahin ni Maria Clara at katulong ni Tiago sa pagpapalaki dito

  • Dennis Padilla
    Dennis Padilla as Adong

    Ang katiwala ng pamilya nina Ibarra

  • Lou Veloso
    Lou Veloso as Mr. Jose R. Torres

    Ang propesor ni Klay sa Rizal Studies

  • Gilleth Sandico
    Gilleth Sandico as Doña Victorina de los Reyes de Espadaña

    Ang Filipina na nagpapanggap bilang isang mestiza

  • Karenina Haniel
    Karenina Haniel as Victoria

    Isa sa mga kaibigan ni Maria Clara

  • Andrea Torres
    Andrea Torres as Narcisa o "Sisa"

    Ang ina nina Basilio at Crispin

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.