'Maria Clara at Ibarra' stars Barbie Forteza, David Licauco, at Andrea Torres, personal na tinganggap ang mga parangal sa Platinum Stallion National Media Awards
Humakot ng awards ang hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra mula sa Platinum Stallion National Media Awards ng Trinity University of Asia.
Kinikilala ng parangal na ito ang mga indibidwal and grupo na nagbabahagi ng mahahalagang kaalaman gamit ang media at iba pang uri ng sining.
Noong January pa inanunsiyo ang mga winners nito pero nitong February 15 idinaos ang awarding ceremony.
Hinirang bilang Culturally Relevant TV Series at Best Primetime Drama Series ang Maria Clara at Ibarra.
Best Actor naman si Kapuso Drama King Dennis Trillo, habang Best Drama Actress si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Kinilala rin si David Licauco bilang Best Actor in a Supporting Role at si Andrea Torres naman ang napili bilang Best Actress in a Supporting Role.
Dumalo naman sina Barbie, David, at Andrea sa gabi ng parangal para personal na tanggapin ang kanilang awards. Kasama rin nila sina Maria Clara at Ibarra program manager Edlyn Abuel at execitive producer Shielyn Atienza.
Silipin ang pagdalo nila sa Platinum Stallion National Media Awards dito:
Maria Clara at Ibarra stars
Personal na dumalo sa Platinum Stallion National Media Awards sina Andrea Torres, Barbie Forteza, at David Licauco.
Platinum Stallion National Media Awards
Kinikilala ng Platinum Stallion National Media Awards ang mga indibiwal o grupo na nagbabahagi ng mga kaalaman sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng sining.
Program
Dumalo rin sa gabi ng parangal sina 'Maria Clara at Ibarra' program manager Edlyn Abuel (leftmost) at executive producer Shielyn Atienza (rightmost).
Total
Humakot ang 'Maria Clara at Ibarra' ng anim na awards sa Platinum Stallion National Media Awards
Role
Itinuring ni David na isa sa pinakamahalaga niyang role ang karakter niyang si Fidel sa 'Maria Clara at Ibarra.'
Fidel at Klay
Umaasa sina Barbie at David sa patuloy na suporta ng mga manood sa huling dalawang linggo ng 'Maria Clara at Ibarra.'
Cast
Bukod kina Babie, David at Andrea, kinilala rin si Dennis Trillo bilang Best Drama Actor pero hindi na ito nakadalo sa gabi ng parangal dahil nasa ibang bansa ito.
Last two weeks
Patuloy na tutukan ang 'Maria Clara at Ibarra,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.