'Maria Clara at Ibarra': Ang kamatayan ni Maria Clara
Emosyonal ang ika-95 episode ng hit historical portal fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra.'
Matapos ang 13 taon, muli nang nagkita sina Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) at Maria Clara (Julie Anne San Jose).
Dala ng galit, tinangkang barilin ni Padre Salvi (Juancho Trivino) si Ibarra pero pinrotektahan siya ni Maria Clara at ito ang tinamaan ng bala.
Bahagya pang nakapagpaalam si Maria Clara kina Ibarra at Klay (Barbie Forteza) bago ito tuluyang namaalan.
Ano ang mangyayari sa mga naiwan niya?
Patuloy na tutukan ang 'Maria Clara at Ibarra,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.
Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng 'Maria Clara at Ibarra' sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
Samantala, balikan ang madamdaming pamamaalam ni Maria Clara sa 'Maria Clara at Ibarra.'
Maria Clara
"Maria Clara didn't get to save Ibarra when he was drowning before but tonight she saved the man he loved the most without having second thoughts. Just like how a Filipina is willing to die for her beloved country," sulat ng Twitter user na si @kdramatreats tungkol sa eksena.
Dennis Trillo
"Couldn't help myself from crying. Ang sakit sakit ng eksenang 'to. Ramdam ko sa sigaw, iyak at nginig ni Simoun. He waited for 13 years to see the love of his life. And that shift from pain to anger... just look at his damn eyes!" papuri ni @escapingthought kay Dennis Trillo sa eksena.
Friends
"The thing is Klay changed Maria Clara's fate completely. This time she did not die alone. She died surrounded by the people she loves the most. She died in her arms of her true love. Our girl did not think twice to took the bullet. A strong Filipina woman indeed," sulat naman ni @DChongyun.
Another death
Pinigilan man siya nina Elias at Fidel, pinatay pa rin ni Ibarra si Padre Salvi dahil sa galit.
Revision
"As much as we want a full revisionism at this point, we can't have it, because the writers' main goal is to still amplify what Dr. Jose Rizal is trying to convey in his novel," tweet naman ni @lutyyyyfierce.