'Maria Clara at Ibarra' sneak peek: Ang mga bago at nagbabalik na karakter sa 'El Filibusterismo'
Nakabalik na si Klay (Barbie Forteza) sa mundo ng 'El Filibusterismo' sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Kaya naman sisimulan na niyang hanapin ang mga karakter na iniwan niya rito.
Sa mundo ng mga akda ni Jose Rizal, 13 years na ang nakalipas matapos ang kuwento ng 'Noli Me Tangere,' kaya marami nang ipinagbago ang mga kaibigan niya tulad nina Cristostomo Ibarra (Dennis Trillo), Maria Clara (Julie Anne San Jose), Elias (Rocco Nacino) at Fidel (David Licauco).
May ilang din mga bagong karakter ang makakasalamuha ni Klay.
Ano kayang mga pagbabago ang madadala niya sa mundo ng pangalawang nobela?
Patuloy na tutukan ang 'Maria Clara at Ibarra,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maaari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
Samantala, narito ang isang exclusive sneak peek sa mga bago at nagbabalik na karakter sa 'El Filibusterismo' arc ng 'Maria Clara at Ibarra.'
Kapitan Tiago
Kumusta na kaya si Kapitan Tiago (Juan Rodrigo) ngayong hindi na niya kapiling ang anak na si Maria Clara?