LOOK: Behind the scenes of 'Maria Clara at Ibarra'
sang kakaibang mundo ang napanonood sa hit historical portal fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra.'
Kuwento ito Klay, isang Gen Z nursing student mula 2022 na mapapadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na 'Noli Me Tangere' at 'El Filibusterismo.'
Sa magagarang mga pananamit at makalumang mga lugar para sa set location pa lang, busog na busog na ang mga mata ng mga manonood ng serye. Dagdag pa rito ang mga mahuhusay na pagganap ng mga artista sa kani-kanilang karakter/
Patuloy na panoorin ang 'Maria Clara at Ibarra,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, narito ang exclusive behind-the-scenes look sa taping ng 'Maria Clara at Ibarra.'
Juancho Trivino
Tulad ni Tirso, may prosthetics din si Juancho Trivino para sa kanyang role bilang Padre Salvi.
Simbahan
Marami ring eksena ang 'Maria Clara at Ibarra' na kinunan sa magagandang simbahan sa Pilipinas.
Bell tower
Nag-rehearse muna sina Barbie at Dennis ng kanilang mga linya bago kunan ang eksena sa bell tower.
Jessica Soho
Bumista pa si award-winning broadcast journalist Jessica Soho sa set ng 'Maria Clara at Ibarra.'
Students
Nag-pose si 'Maria Clara at Ibarra' director Zig Dulay kasama ang guro at mga mag-aaral sa paaralan ni Ibarra.