Filtered By: TV
Kimson Tan
Image Source: kimsontann (Instagram)
TV

Kimson Tan, kinilig kay Beauty Gonzalez sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters'

By Marah Ruiz
Kinilig daw si Kimson Tan sa kanyang 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters' co-star na si Beauty Gonzalez.

Isa raw sa mga dapat abangan sa upcoming series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters ang nakakaintrigang karakter ni Kapuso actor Kimson Tan.

Gagagap siya sa serye bilang Steven Yap, isang binatang madadamay sa gulo ng angkan ng mga Chua--partikular sa pamilya ni Violet na karakter ni Beauty Gonzalez, asawa nitong si Julian Gomez, played by Rafael Rosell at stepdaughter nitong si Kayla, karakter naman ni Mika Reins.

Ayon kay Kimson, marami siyang eksena kasama si Beauty at marami raw siyang natutunan dito.

"First of all, alam naman po natin, sobrang galing po na actress ni Ms. Beauty. Sobrang husay po niya. Sometimes she even gives me pointers po para mas maganda 'yung eksena," kuwento ni Kimson sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

Bukod doon, hindi raw niya malilimutan ang kabutihang ipinakita nito sa kanya.

"Naalala ko po one time, sobrang kinilig po ako sa ginawa niya. Nag-aayos ng audio dahil maingay po and mainit po, pinagpapawisan kami. Then I remembered she called her PA (personal assistant) tapos pinahiram po siya sakin 'yung fan niya. Feelign ko, baby boy ako doon. Sobrang kakakilig po," paggunita ni Kimson.

Bilang isang baguhang aktor, nagsilbi raw motivation at inspiration ang mga ganitong maliliit na bagay para sa kanya.

"I don't know if she remembers. Small thing lang po 'yun pero sobrang na-appreciate ko po. Sobrang nakaka-boost po ng confidence ko po na lalo pong galingan sa ginawa ko. Nakadagdag po siya na alam ko po na 'yung katrabaho ko, inaala din niya po 'yung mga tao sa set," aniya.

Image Source: kimsontann (Instagram)



Ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters ay tungkol sa apat na magkakapatid sa ama, ang Chua sisters, na may kanya kanyang ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.

Bukod kina Kimson at Beauty, bahagi rin ng serye sina Aiko Melendez, Thea Tolentino, Angel Guardian, at marami pang iba.

Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SERYE RITO:


Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.