Set ng 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters,' masaya kahit na intense ang maraming eksena
Kaabang-abang ang intense scenes ng upcoming third installment ng Mano Po Legacy na The Flower Sisters.
Tungkol ito sa apat na magkakapatid sa ama, ang Chua sisters, na may kanya-kanyang ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at kompetisyon sa kanila.
Sigurado daw ang apat na lead stars nitong sina Aiko Melendez, Thea Tolentino, Angel Guardian at Beauty Gonzalez na mae-enjoy ng mga Kapuso viewers ang mga intense na eksena ng show.
Pero taliwas sa mga eksena ng programa, very happy at light naman daw ang set.
Image Source: manopolegacy (Instagram)
"'Yung samahan talaga namin sobrang saya. It's always nice to report to the set na ganoon 'yung rapport mo with your co-actors. It's just a fun set. Tawa lang kami nang tawa kaya nagpapasalamat ako sa pagkakataong nakatrabaho ko silang tatlo," lahad ni Aiko sa media conference ng show na ginanap ngayong October 14, sa Luxent Hotel sa Quezon City.
Para naman kay Beauty, natupad na raw niya ang isang item sa kanyang bucket list dahil sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
"It's my dream to be working with Aiko since sa kabilang station pa and now it's finally happening. Thank you Mano Po for making this happen. One of my bucket list, okay na," kuwento naman ni Beauty.
Dagdag pa niyang bumabata raw ang pakiramdan niya kapag katrabaho ang young actresses na sina Thea at Angel.
"I'm so happy and lucky to be working with young stars also. Bumabagets kami dito. Ang saya-saya. I mean every day going to work, tawa kami ng tawa talaga. Blessed na kami sa ganoon na magaan 'yung loob mo 'pag pumunta ka sa trabaho, malaking bagay," dagdag ni Beauty.
Ayon naman kay Thea, on-cam lang nangyayari ang patalbugan at very sweet sila off-cam.
"Off-cam wala. Patalbugan lang sa kung sinong magdadala ng pagkain. Minsan sabi nila, ako na po. Sige ako na next taping," kuwento niya.
Bilang isang baguhan, masaya si Angel na makatrabaho ang mga beteranang aktres kahit na medyo may naramdaman siyang kaba.
"At first talagang intimidated ako by Ms. Aiko, Beauty Gonzales kasi siyempre naman po kilala natin sila na napakagaling na aktres. Pero excited din akong matuto," bahagi niya.
Bukod kina Aiko, Thea, Angel at Beauty, bahagi rin ng serye sina Mikee Quintos, Paul Salas, Kimson Tan, Dustin Yu, at marami pang iba.
Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG BEHIND THE SCENES PHOTOS NG SERYE DITO: