Sunshine Cruz, mami-miss ang kanyang karakter sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'
Dream come true daw para kay Sunshine Cruz na mapasama sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Gumanap siya dito bilang Cristine Chan, ang tunay na utak sa likod ng matagumpay na negosyo ng pamilya Chan.
Matagal na daw gusto ni Sunshine na magkaroon ng ganitong klaseng karakter kaya mami-miss daw niya ang pagganap dito ngayong patapos na ang serye.
"Of course, mami-miss ko rin si Cristine Chan kasi natutuwa ako sa character niya. Isa sa mga pangarap ko na magkaroon ng ganitong character--isang very powerful CEO pero still kind-hearted, napakabait, at protective na auntie and mapagmahal na anak din," paliwanag ni Sunshine.
Dahil dito, hindi raw talaga niya malilumutan ang karakter na ito.
"'Yan ang mga mami-miss ko and lagi yang maaalala ko and nakatatak 'yan, nandito 'yan sa aking puso, si Cristine Chan," pahayag ng aktres.
Alamin ang iba pang mami-miss ni Sunshine sa video na ito:
Sa huling episode ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, nakuha na ni Steffy (Barbie Forteza) ang flash drive na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Monteblanco.
Dahil nasiwalat na ang ginawa niyang mga anomalya sa kumpanya, naghahanda nang tumakas at magtago ni Valerie (Maricel Laxa) kasama ang anak na si Jameson (Nikki Co).
Huwag palampasin ang explosive finale ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, ngayong February 25, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Panoorin din ang same-day replay nito sa GTV, 11:00 p.m.