Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?
Sumabak agad sa maiinit na eksena sa kanilang first taping day ang cast ng inaabangang mystery revenge drama sa GMA Afternoon Prime na Makiling.
Present dito ang mga bida ng serye, ang Kapuso real-life couple na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na aminadong na-challenge sa kanilang mga bagong karakter.
Kasama rin sa first taping day ang Kapuso bida-kontrabida na si Thea Tolentino, mga batikang aktor na sina Soliman Cruz, Richard Quan, Manny Castañeda, Bernadette Alison, Lui Manansala, actor-comedian na si Pekto Nacua at social media influencer na si Baninay.
Unang araw pa lang, mayroon nang nagbugbugan,nagsampalan, nag-topless, nag-bikini, at nag-kissing scene.
Narito ang pasilip sa maiinit na kaganapan sa unang araw ng taping ng Makiling sa gallery na ito:
Derrick Monasterio, topless na sumakay ng habal-habal
Agad na nagpainit sa set ng Makiling ang isa sa bida nito na si Derrick Monasterio. Habang naka-topless, sumakay at nagmaneho ng habal-habal ang aktor na talagang nagpakilig sa fans. Ang mga manonood sa set, hindi rin napigilang magpa-picture sa Kapuso hunk actor.
Derrick Monasterio at Richard Quan, nagbugbugan sa set?
Napasabak agad sa bugbugan scene si Derrick Monasterio kasama ang batikang aktor na si Richard Quan na gaganap bilang kanyang ama sa serye.
Thea Tolentino, nag-bikini sa sapa!
First day of shoot pa lang, na-challenge na agad ang Kapuso actress na si Thea Tolentino sa set ng Makiling dahil kinailangan nang kunan ang kanyang eksena sa sapa suot ang nude bikini.
Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino, totohanan?
Pinili nina Elle Villanueva at Thea Tolentino na hindi kumuha ng double sa kanilang bardagulan. Kung kaya't ang kanilang sampalan, sila mismo ang gumawa. Ayon sa dalawang aktres, parang last day na raw agad ang kanilang first day sa tindi ng kanilang mga eksena.
Elle Villanueva, binantayan ang paghilot ni Derrick Monasterio sa legs ni Thea Tolentino
Bantay-sarado si Derrick Monasterio sa kanyang girlfriend at co-star sa serye na si Elle Villanueva habang ginagawa niya ang paghilot sa legs ni Thea Tolentino na kinakailangan sa isang eksena. Batid naman ni Elle na walang halong malisya ang pagmamasahe ni Derrick kay Thea at ito'y purong trabaho lang.