Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Kristoffer Martin
Source: derrickmonasterio (Instagram), kristoffermatin_ (TikTok)
TV

Derrick Monasterio, nagseselos kina Elle Villanueva at Kristoffer Martin sa 'Makiling'?

By Jimboy Napoles
“Basta ako binigay ko ang best ko sa show. Kung hindi man ako ang kinapitan nila, okay lang.” - Derrick Monasterio

Walang masamang tinapay kay Derrick Monasterio ang pagkakaroon ng shippers ng kaniyang girlfriend na si Elle Villanueva at ng kaniyang kaibigan na si Kristoffer Martin.

Marami kasi ngayon ang nagsi-ship sa mga karakter nina Elle at Kristoffer bilang sina Amira at Seb sa pambansang revenge drama ng Pinoy na Makiling.

Ang naturang serye ay pinagbibidahan nina Derrick at Elle, habang isa sa kanilang mga kontrabida si Kristoffer.

Sa finale media conference ng Makiling noong April 25, tinanong ng press si Derrick kung ano ang reaksyon niya na ipinapares ng mga tao ang karakter ng kaniyang girlfriend at leading lady na si Elle sa karakter ni Kristoffer.

“Sobrang proud ako sa kanilang dalawa,” sagot ni Derrick.

Paliwanag niya, “Kasi sila ang pinaka-close ko na mga tao sa industriya. Especially kay Elle kasi siyempre alam ko na ito talaga ang pangarap niya at gusto niyang maging and nakikita ko na kapag pumupunta kami sa ibang lugar, tinatawag siya bilang si Amira.

“Ang sarap feeling no'n as a lover niya na sumusuporta sa dreams niya. Masarap makita na ang daming nagsi-ship sa kanila. Kasi wow, kinakapitan ng mga tao ang mga karakter ng dalawang tao na pinakamamahal ko sa industriya.”

Dagdag pa ng hunk actor, “Walang competition. Basta ako binigay ko ang best ko sa show. Kung hindi man ako ang kinapitan nila, okay lang. Basta silang dalawa ang mag-flourish, kasi close ko 'tong dalawang 'to.”

Dahil dito, tinanong na rin si Derrick kung ready ba siya sakaling i-partner na si Elle sa ibang aktor in the future.

“Sad pero ready. Sinasabi ko 'yun kay Elle palagi na, 'Alam mo kung makakabuo ka ng successful love team sa iba, sobrang susuportahan kita doon kasi siyempre marami rin siyang matutunan sa ibang artista, na mas magaling, mas may input. Importante na ma-explore niya rin lahat e.

“Kung matatali siya sa akin forever, baka hindi siya mag-grow. So, importante rin na may makatrabaho siyang ibang tao and sobrang supportive ako diyan kay Elle,” ani Derrick.

“Although sad siya, pero sine-separate naman lagi namin ang work sa personal life namin. So, if ever man, na next show hindi kami magkasama, we will accept it. Kung saan kami mag-go-grow, doon tayo,” sabi pa ng aktor.

Samantala, saan nga ba hahantong ang paghihiganti ni Amira (Elle Villanueva) sa Pamilya Terra at sa Crazy 5? 'Yan ang sabay-sabay na tutukan sa finale week ng Makiling sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.