Elle Villanueva at Derrick Monasterio, emosyonal sa finale ng 'Makiling'
Masaya na may halong kalungkutan ang nararamdaman ng Kapuso couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio sa finale ng kanilang pinagbibidahang serye na Makiling.
Sa media conference ng Makiling noong Huwebes, April 25, ibinahagi nina Elle at Derrick ang mga natutunan nila sa nasabing revenge drama series.
Para kay Elle, ang tagumpay ng kanilang programa ay dahil sa pagtutulungan ng cast ng buong production crew.
Aniya, “From my experience, it takes a good team and cooperation talaga to make a great series. Nakita po kasi namin na lahat ng tao dito, passionate sa ginagawa nila kaya siguro napakaganda ng resulta.”
Dagdag pa ni Derrick, “Marunong silang pakinggan 'yung mga ideas din namin which never kong na-experience sa mga past shows ko.”
“This team makes us great actors, makes us great people. Ang masasabi ko lang ay nakaka-miss itong prod na 'to, itong team na 'to. Iba 'yung dating,” sabi pa ni Derrick.
Ayon pa sa aktres na si Elle, siguradong mami-miss niya ang kaniyang karakter sa Makiling bilang si Amira.
“Mami-miss ko na sobrang pinapakinggan niya 'yung puso niya palagi at 'yung pagiging malapit niya sa pamilya niya. Mami-miss ko talaga 'yung character niya kasi siya 'yung paborito kong character na [ginampanan] ko ever,” ani Elle.
Para naman kay Derrick, “Ang pinakamami-miss ko dito is 'yung mga lessons na naituro sa akin nito personally.”
Samantala, sa isang exclusive video, mapapanood na naging emosyonal din si Elle habang ini-interview para sa pagtatapos ng serye.
“Parang kahapon lang, first day sa Makiling, sobrang bilis ng pangyayari. Ayoko talaga siyang mag-end and ayoko pang iwan 'yung mga tao dito sa Makiling, gusto ko pang ituloy 'yung istorya,” mangiyak-ngiyak na sinabi ni Elle.
Matatandaan na ito ang ikalawang lead role ni Elle sa isang serye matapos ang unang pagtatambal nila ng kanyang boyfriend na si Derrick sa Return To Paradise.
Sa nasabing finale media interview ng Makiling, ipinasilip ang mga makapigil-hiningang mga eksena na dapat abangan ng mga manonood simula sa Lunes, April 29.
Saan nga ba hahantong ang paghihiganti ni Amira sa Pamilya Terra at sa Crazy 5? 'Yan ang sabay-sabay na tutukan sa finale week ng Makiling simula sa Lunes, April 29 sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: The sweetest moments of Derrick Monasterio and Elle Villanueva