GMA Logo makiling
What's on TV

Simula na ng paniningil sa 'Makiling'

Published January 26, 2024 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Labi ng OFW na nakitang patay sa kaniyang kuwarto sa Abu Dhabi, naiuwi na sa Iloilo
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

makiling


Narito ang mga dapat abangan sa ikaapat na linggo ng Makiling.

Simula na ng paniningil!

Walang tigil ang paggawa ng kasamaan ng Crazy 5 at ng mga Terra. Pagkatapos ng gulo sa Nexcelsium kung saan may nasawi, imahe at negosyo pa rin ang pinagtuunan ng pansin ng pamilya. Dahil dito, makikita ni Amira ang totoong pag-uugali ni Doc Franco.

Gagawing fall guy ng Crazy 5 ang isang kasamahang janitor ni Amira. Papatunayan ni Amira na walang kasalanan ang inosenteng katrabaho.

Pero dahil dito, isasagad na ng Crazy 5 ang pagpapahirap kay Amira. Mukhang katapusan na niya ito, pero bibisitahin siya ni Maria Makiling para bigyan ng lakas para lumaban.

Sa huli, babalik sa Crazy 5 ang kasamaang ginawa nila kay Amira. May mapupuruhan kaya sa kanila?

Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.