elle villanueva
Source: _ellevillanueva (Instagram)
TV

Elle Villanueva sa bullying: 'Wala po siyang nadudulot na maganda'

May paalala si 'Makiling' actress Elle Villanueva sa lahat ng bully.

Saksi ang maraming manonood kung paano i-bully ng mga kontrabidang “Crazy 5” ang karakter ni Elle Villanueva na si Amira sa mystery revenge drama sa GMA Afternoon Prime na Makiling.

Ang nasabing serye ay pinagbibidahan ni Elle at ng aktor at kanyang real-life boyfriend na si Derrick Monasterio.

Sa isang interview, hiningan ng GMANetwork.com si Elle ng kanyang opinyon tungkol sa bullying na nararanasan ng kanyang role sa serye.

“Wala pong nangyayaring maganda dulot ng bullying,” bungad ni Elle.

“Hurt people, hurt people,” dagdag pa niya.

Base sa kanyang karakter, aminado si Elle na masakit ang ma-bully at pagkaisahan.

Kaya panawagan niya sa lahat, “I hope na hindi na tayo mambu-bully ng ibang tao, hindi na tayo nang-iinsulto ng ibang tao. Let's just spread kindness to this world especially now na ang dami na pong war na nangyayari, also bullying on social media.

“Wala po siyang nadudulot na maganda. So, let's just spread positive words, and encourage everyone.”

TINGNAN ANG MGA AKTOR NG MAKILING DITO:

Samantala, patindi na rin nang patindi ang mga eksena sa revenge drama na Makiling.

Sa ikalawang linggo ng serye, mas naging mapait ang mga pagsubok na kinaharap ng karakter ni Elle na si Amira dahil sa pagdating ng “Crazy 5.”

Ito ay ang grupo ng mga bully na sagad sa kasamaan ang mga pag-uugali. Sila ay sina Portia (Myrtle Sarrosa), Seb (Kristoffer Martin), Ren (Royce Cabrera), Oliver (Teejay Marquez), at Maxine (Claire Castro).

Pero ang dapat ding pakaabangan ay kung paano reresbak si Amira sa lahat ng umapi sa kanya.

Kaya naman subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.